SUNOD NA INATAKE

0 0 0
                                    

Pitong metro mula sa tent o tolda. Narinig nina Jeca at Klyde ang sigaw ni Rina. Mabilis pero agam-agam na tumakbo ang dalawa papasok sa tolda. Dumikit sa tsinelas nila ang malagkit na bagay na may halo-halong kulay ng berde, itim at puti.

Naabutan nila si Rina na nakadilat ang mata  at namumutla. Sinundan nila kung saan ito nakatitig. Walang binti, walang ulo, naliligo sa sariling dugo.
Si Paul namatay sa brutal na paraan. Nakapalawit pa ang buong binti nito habang nginunguya pa ng halimaw ang mataas na parte nito. Nagbakas ang malagkit na bagay na mula sa kaniyang mga galamay. Gumawa ito ng padron sa sahig.

Hinila ni Klyde si Rina. Tumakbo sila sa layo ng kanilang makakaya. Nakarating sila sa isang kuweba. Walang ibang nabitbit kundi ang kanilang mga sarili papalayo sa kapahamakang dulot ng isang halimaw na nilalang na hindi pa nila matukoy ang likas.

PELHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon