RECEPTION

2 0 0
                                    

Labing-anim na gulang lang si Jeca. Anong kay galing na nitong sumayaw.

Sabado, nakatakda siyang umalis para sa isang Event.

Nagagalak at nasasabik na si Jeca. Handang-handa na para sa presentasyon.


**********

Linggo, nakarating sila ng mga kaibigan niya—Paul, Klyde at Rina sa Lungsod Isla.

Naisip ng magkakaibigang Klyde, Rina, Jeca at Paul na samantalang sa susunod na bukas pa—Miyerkules ang Presentasyon, may pagkakataon silang tamasin ang magandang Dalampasigan ng Lungsod Isla.

Lungsod Isla—nabago na ang ayos nito ngunit hindi parin kumukupas ang maganda nitong anyo.

***********

Lunes, maganda ang panahon. Tama-tama para magtampisaw sa Dalampasigan. Ang buhangin ay pino at puti. Sa tunog ng alon, lalo silang nasabik.

******

Kinabukasan, Martes, buong araw silang nagsaya at 'di nila inalintala ang takbo ng oras.

*******

Syempre sino ba naman ang hindi mapapagod sa walang hanggang paglalangoy. Kailangan na nilang magpahinga ngayon.

Malumanay at mahinahong nalalakad papunta na sa tolda si Jeca kasama si Klyde. Ang mga tolda o tent ay dalawangdaang metrong malayo sa isa't isa

Isang matandang babae ang bigla na lamang sumulpot sa kanilang harapan.

PELHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon