Sa layo ng kanilang nilakbay, napagod sila ng sobra. Hindi na sila nakipag-usap sa isa't isa at tuluyan nang nakatulog. Nakasandal sa isang malaking bato.
********
Alas Diyes na ng umaga, kakagising pa lang nila.
Buhangin, dagat, at malalaking bato.
Unang nagising si Rina, ilang minuto ang lumipas nagising si Jeca. Wala silang nagawa kundi nagtinginan lang. Malinaw at tanda-tanda pa sa kanilang ala-ala ang malagim na pangyayari. 'Di nila anintana ang gutom. Mayamaya nagising na si Klyde.
********
Mano-mano silang nangisda, wala na ding ibang paraan, walang bangka, walang pamingwit. Ito na lang ang paraan para makakain sila.
Si Rina ay dating miyembro ng iskaut. Marami siyang nalalaman tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa "pag-iisa sa gubat".
Siya ang gumawa ng apoy at gumawa ng pansamantalang tirahan gamit ang mga kahoy na dinala ng alon, iba't ibang bato at dahon mula sa puno ng niyog. Sapat na rin para sumuporta sa kanila habang hindi pa nila napapag-usapan ang tungkol sa halimaw.
*******
Nagdaan ang oras. Puro dalamhati. Tumayo, umupo, humiga.
BINABASA MO ANG
PELHA
ActionAng dagat ay bughaw Pumunta sinumang uhaw Kumikinang sa linaw Dito nagmula ang halimaw Basahin para malinawan Isang taong, noo'y nagkamali. Namayapang asawa sa sarili isinisi. Kaibigang saksi, susi sa sinimulan. Ibalik sa pinagmulan. Sa tulong ng mg...