Dalawa lang ang nagawang sandata ni Robert at dalawa lang sa ngayon ang kaya nilang magawa.
Maliksi ang Pelha kaya mahihirapan silang barilin ito.
Gamit ang bangka, naglayag sila pasilangan. Sina Robert at Jeca sa isang bangka at sina Klyde at Rina sa kabilang bangka. Tag-iisang Alep kada-bangka. Sapat nang sandata para sa pangkasalukuyang layunin.
Nasisiguro nilang wala ang Pelha sa Dagat.
Limangdaang metro ang layo, narinig sila ng Pelha.
Agad itong kumaripas sa pagtakbo. Nagbangka papalayo ang grupo. Sinubukan ni Klyde na barilin ito, pero sadyang maliksi at mabilis itong kumilos kaya hindi man lang ito mapuntirya. Nakabuo ng ideya si Jeca na lituhin ang Pelha para mag-alanganin itong kumilos at pwede na itong puntiryahin. Mabisa ang ideya ni Jeca. Napuntirya ni Klyde ang Pelha.
Matagumpay ang kanilang unang hakbang.
Inilagay ni Robert ang Pelha sa isang balde. Ang baldeng ito ay may dagdag pang kasangkapan—Esid na magpapatulog sa Pelha ng higit pang matagal.
BINABASA MO ANG
PELHA
ActionAng dagat ay bughaw Pumunta sinumang uhaw Kumikinang sa linaw Dito nagmula ang halimaw Basahin para malinawan Isang taong, noo'y nagkamali. Namayapang asawa sa sarili isinisi. Kaibigang saksi, susi sa sinimulan. Ibalik sa pinagmulan. Sa tulong ng mg...