Isa si Robert sa mga unang nakasaksi sa halimaw. Naapektuhan siya ng labis.
Dalawang taong lumipas. Napagtanto niya na dapat may gawin siya. Hindi niya lang dapat ilihim ang nangyari. Alam niya sa sarili niya na malaking suliranin ang nakaabang sa buong mundo.
Pagkatapos magpakamatay si Jessica, naiwan ang lahat ng mga papeles bunga ng kaniyang pananaliksik.
Nalaman ni Robert ang pananaliksik na naganap, na kahit na si Betty na kapatid si Jessica walang alam.
Nalaman niya ito noong sinubukan niyang puntahan si Jessica para sana anyayahan niyang isiwalat na ang totoo. Sa kasamaang palad hindi na niya ito naabutan.
-----
Noong pumunta siya sa kanilang bahay, ilang beses siyang kumatok pero walang sumagot. Sinubukan niyang makipag-ugnayan sa ibang nakakakilala kay Jessica pero wala siyang impormasyon. Pumasok na lamang siya sa bahay ay doon nalaman niya ang totoo. Nalaman niyang nagpakamatay si Jessica mula sa liham na iniwan nito.
------
Naisip ni Robert na dapat ipagpatuloy niya nga sinimulang pagsasaliksik si Jessica. Mas maganda itong gawin. Nang sa ganoon, kapag isiniwalat na niya ang totoo sa publiko, handa niya rin siya sa mga kahihinatnan niya at ng mundo.
Nanatili siya kung saang lugar nagsimula si Jessica. Nagsimula siya sa magbabasa. Pag-iieksperimento. Paglilitis. Pagsuri at Pagkilatis.
Sa taon niyang pananaliksik, sa lugar na ito —Lungsod Isla. Marami na siyang karanasan. Nakaharap niya na rin ng malapitan ang halimaw at ilang beses niya na din itong sinubukang labanan, pero hindi sapat na siya lang.
Sa loob ng maraming taon, marami siyang natuklasan at nakabuo din siya ng malinaw na kahulugan na makakapagpapaliwanag sa mga nangyari at sa mga nakita.
BINABASA MO ANG
PELHA
ActionAng dagat ay bughaw Pumunta sinumang uhaw Kumikinang sa linaw Dito nagmula ang halimaw Basahin para malinawan Isang taong, noo'y nagkamali. Namayapang asawa sa sarili isinisi. Kaibigang saksi, susi sa sinimulan. Ibalik sa pinagmulan. Sa tulong ng mg...