IKALIMANG HAKBANG

0 0 0
                                    

Naghanap ang mga siyentista ng mga bakas, gamit ang modernong kamera.

Nahanap at nasundan nila ang tinitirhan ng isang Pelha. Sa isang liblib na gubat.

Ang ibang Pelha, madali na lamang nahuli dahil kaagapay na nila ang gobyerno. Nagtulungan ang mga sundalo at pulis.

Nagawa nga'ng mahuli ang dalawang Pelha ng apat na tao, ngayon pa kayang madami nang nagtutulungan.

Wala nang nadetect na Pelha ang Camera, kaya masasabi ng mga ekspertong nahuli na lahat ng Pelha.

*****

"Tapos na. Natalo na lahat. Wala nang natitira."

*****

Nanatiling lihim ang panibagong nadiskubrehan, kaya lihim din ang ginawang pagdiriwang.

Ngunit bago pa man magsimula silang magdiwang, pumagitna si Jeca.

"Teka lang, wala na nga bang natira? Sinabi mo Robert na nigingitlong ng tatlo hanggang lima ang Pelha. Hindi ba posibleng ang mga Pelha na nahuli natin ay mga anak lang ng isa pang Pelha? Ang pinakapuno sa lahat."

Binigyan ng atensyon ngunit hindi pinakinggan. Tila ba lantang puno siyang nagsasalita.

"Wala ka bang tiwala sa mga magagaling na mga siyentista!"

PELHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon