Prologue

429 13 1
                                    

#HFITPrologue

"Alam mo . . . sayang 'yang ganda mo." Napairap ako dahil sa sinabi niya. Pinunasan ko rin agad 'yong luha ko dahil nakakahiya naman sa kaniya na mukhang kanina pa ako hinuhusgahan. "Seryoso? Iniiyakan mo 'yon? E mukha namang bola 'yon e. Shoot ko pa siya sa ring."

"Baliw ka ba?"

"'Wag ka na umiyak. 'Di naman deserve nun luha mo."

Inabutan niya ako ng panyo kaya kinuha ko agad 'yon at pinunas sa mga mata ko.

Nakakahiya namang umiyak dahil sa lalaki! Ang tanga ko tignan.

"Meeca, ano ba 'yan? Naiyak ka pa rin?"

"Tigilan mo nga ako. Kunin mo na 'tong panyo mo tapos lumayas ka na kung ang tanga na ng tingin mo sa 'kin."

"Eto naman o, galit agad. Ang akin lang naman, tahan na. Ang pangit nun para iyakan mo, 'no! Kuko ko lang 'yon sa paa."

Hindi ko siya pinansin. Tinakpan ko lang ulit 'yong mukha ko nung panyong pinahiram niya sa 'kin dahil hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na lumuha. Naramdaman ko namang naupo siya sa tabi ko at hinaplos 'yong buhok ko.

Kung may ibang tao lang sa room na 'to, iba na talaga iisipin sa katangahan ko! Buti nga wala dito best friend ko kasi baka mamaya, kaltukan ako nun kapag nakita niya na umiiyak ako dahil sa lalaki na ‘yon.

"Teka lang, ah?"

Umalis siya sa tabi ko pero hindi ko na pinansin. Maya-maya ay naramdaman ko ulit na inalis niya 'yong dalawang kamay ko sa mukha, pinunasan niya ‘yong mga mata ko at hinila ako papalabas ng room.

"Saan tayo pupunta? Nakakahiya, makita nila akong kakagaling lang sa iyak!"

"Punasan mo na, dali."

"Saan nga tayo pupunta?!"

Pero hindi niya ako sinagot kaya wala na ako ibang nagawa kung 'di ang sumunod sa kaniya.

Dumiretso kami sa tabi ng school ground, malapit lang sa court. Nahigit agad 'yong hininga ko dahil doon.

"U-Umalis na tayo dito," bulong ko habang nanlalambot na ang mga tuhod.

"Hi. Finally . . . buti pumayag ka na makipagkita ngayon."

Lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Nakita ko rin ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ako.

"Sure, basta ikaw. Buti nga pumayag 'yong girlfriend mo na sumama e."

Walang nakapagsalita sa ‘min ng boyfriend kong niloloko na pala talaga ako. Sobrang sakit . . . ang mga hinala ko, totoo nga. Pinilit niya pa ‘yon na itanggi sa akin noon. Pero ngayon, harap-harapan niya sa ‘king napatunayan lahat.

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon