Chapter 12

92 5 0
                                    

#HFIT12

Nandito kami ngayon ni Cali sa bahay ni Alex since mag-isa lang siya ngayon. Nakaupo ako sa lapag habang nanunuod ng TV, si Alex ay nasa sofa, nakahiga, habang kausap girlfriend niya sa videocall habang si Cali ay nasa likod ko, pinaglalaruan ‘yong buhok ko.

Nagdala pa kaming makakain dahil mukhang walang balak si Alex na palamunin kami. Kaya eto, kumakain ako ngayon ng pizza.

“Hala, namatay,” bulong ko sa sarili ko nang mabaril ‘yong lalaki sa palabas. Tanga naman, ‘di umilag sa bala.

“Meeca, ang ganda ng buhok mo. Talian kita.”

“Ha? Sige lang.”

Hindi ko sila pinansin habang nanunuod pa rin. Naramdaman ko na lang na sinusuklayan ako ni Cali bago niya hiniwalay ‘yong left part ng buhok ko sa right part. Mukhang . . . bini-braid niya ako.

“Boring ng pinapanuod mo, Meeca! Nood tayo nung pang-bading na movie.”

Sinamaan ko agad ng tingin si Alex nang hawakan niya ‘yong remote para ilipat ‘yong channel. Binawi ko ‘yon sa kaniya pabalik bago binalik ang tingin sa TV.

Binaba ni Alex ‘yong phone niya bago napatingin sa kisame nila at napangiti. Na-weird-an naman ako sa kaniya at natawa. Lumingon siya sa ‘kin bago niya ako sinamaan ng tingin.

“Nakaka-corny pala ‘pag in love,” natatawang sabi ko. Narinig ko ring mahinang natawa si Cali sa likod ko.

“Gaga, ‘pag ikaw na-in love, tatawanan din kita!”

Natahimik tuloy ako dahil doon. Talagang tatawanan mo ‘ko ‘pag nalaman mong ex ko si Dominic Velasco!

“Natahimik si Meeca e,” narinig kong sabi ni Cali habang natatawa pa rin. Nakakahiya! Palibhasa, may alam siya!

“Hah! Ibig sabihin . . . na-in love ka na! Share naman diyan, Meeca.”

“Pwet mo, Alex. Hindi ko ‘yon minahal. Childhood mistake lang ‘yon.”

Sabay silang natawa sa sinabi ko. “Ah, childhood friend.”

“Mediyo.” Sumabay ako sa kanilang tumawa pero hindi pa rin ako nakaligtas kay Alex.

“Sino ba ‘yon? Kilala ko ba?” Mabilis akong umiling. “’Di nga, Meeca? Baka kilala ko ‘yan, ah! Pwede mo sabihin ngayon. ‘Di naman kita i-j-judge.”

Umingos ako sa sinabi niya. Tsk, as if naman hindi niya ako i-j-judge ‘pag nalaman niyang si Dominic sinasabi ko e, ang lala nung mga sinabi niya noon kay Dominic!

From: Cali
May ginagawa ka?

Kumunot ‘yong noo ko. Sabado ngayon at saktong nakahiga lang ako sa kama nang mag-message si Cali kaya ni-reply-an ko siya ng wala. Hindi naman nagtagal ay nag-reply agad siya.

From: Cali
Tara, picnic tayo. Kaso nasa court pa ako sa school, tapusin ko lang ‘tong training namin :)

Tumayo ako agad mula sa pagkakahiga bago dumiretso sa banyo para maligo. Nag-reply din muna ako bago tuluyang pumasok sa loob.

To: Cali
Sunduin na lang kita riyan. See you!

Nakaharap ako ngayon sa salamin, tinignan kung okay na ba ‘tong suot ko o ano. Pero mukhang okay naman na. Nagkibit balikat na lang ako bago sinuot ‘yong backpack ko na may lamang wallet, alcohol, powerbank at tela para ilapag mamaya.

Dumiretso ako sa school para sunduin si Cali sa court. Sakto naman na pagdating ko ay mukhang tapos na sila. Meron pa naglalaro pero si Cali ay naka-ayos na. Naka-cycling shorts lang siya at naka-white shirt sa loob ng hoodie niyang black.

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon