#HFIT08
Sunday. Maaga akong nagising para gumawa ng mga gawaing bahay bago sana dumiretso sa meet up place namin ni Cali. Sinuot ko ‘yong white v-neck croptop na may collar, black high waist wide leg pants ko plus white sneakers na pinarisan ko ng tote bag. Ang dala kong libro ay Fix Her Up by Tessa Bailey, dinala ko rin ‘yong annotating kit ko.
“Ate, mauna na ako!”
“Ingat ka. Umuwi kaagad.”
“Yes, Ate. Bye!”
Nag-jeep ako papunta sa park na meet up place namin. Galing daw kasi doon, lalakarin na lang namin papunta sa sinasabi niyang coffee shop.
Pagdating ko ay nandoon na si Cali. Nakasuot siya ng white top tsaka brown na trouser. Mediyo weird sa ‘kin na makita siyang ‘di naka-uniform o ‘di kaya, naka-shirt at maikling shorts kapag nag-t-training sila sa volleyball.
“Hi! Sorry, late ba ako?”
Napatingin muna siya sa ‘kin at ngumiti bago sumagot. “’Di naman, kakarating ko lang din. Tara na?”
Habang naglalakad kami ay nagtatanong lang siya sa ‘kin ng mga nangyayari sa buhay ko. Wala naman ako makwento since boring naman ang mga kwento ko sa buhay kaya siya na lang tinanong ko.
“Ano dala mong libro?” tanong ko.
“One Last Stop.”
“Parang maganda . . . tsaka parang narinig ko na. Sino ‘yong author tsaka ‘yong male and female leads sa book?”
“’Yong author si Casey McQuiston. ‘Yong main leads, si August tsaka si Jane. Wala sa kanila male lead, parehas sila female.”
“Ah!” Tumango-tango ako sa sinabi niya. Bumagal ‘yong paglalakad namin bago siya tumayo sa harapan ko.
“Okay lang sa ‘yo same sex na characters na papasok sa isang relationship?”
“Oo naman, parehas lang naman. Tsaka sanay na ako. Si Alex kasi may– ay.” Napatakip ako sa bibig ko dahil doon. Ang tanga! “Hala, baka ‘di komportable si Alex. Sorry, kalimutan mo na lang ‘yong sinabi ko!”
Wala naman ako sa posisyon para ipagkalat ‘yon!
“Bakit hindi magiging komportable si Alex?” tanong niya.
“Syempre? Judgmental mga tao ngayon. Kapag nalaman nilang nasa same sex relationship ka, huhusgahan ka nila. Nakakatakot kaya ‘yong mundo.”
“Kung ikaw ba, handa ka bang harapin ang mundo?”
“Hindi, ‘no. Manahimik na lang ako. Hindi ko kaya.”
Kay Dominic pa lang, hindi ko magawang ipakita sa mga tao . . . paano pa kaya kapag babae na, ‘di ba?
“Okay, okay.” Nagpatuloy kami sa paglalakad. Napatingin naman ako sa kaniya saglit.
“Ikaw ba? Willing ka bang harapin ang mundo?”
Napatigil siya bago tumingin sa ‘kin pabalik. “Oo naman. Wala naman akong pakialam sa mga sasabihin nila.”
“Hindi ka natatakot ma-judge?”
“Hindi. At saka, wala rin silang karapatan magsalita tungkol sa ‘kin. As long as wala silang ambag sa buhay ko, hindi valid ang opinyon nila tungkol sa ‘kin.”
Mahina akong natawa dahil doon pero na-gets ko point niya. Gusto ko rin gayahin mindset niya . . . pero mas nananaig ‘yong takot sa pagkatao ko.
Baka balang-araw, magagawa ko rin maging malaya sa takot.
BINABASA MO ANG
Her Fondness In Time (COMPLETED)
Teen FictionMeeca Vanja's been doubting her boyfriend, Dominic, lately because of his actions. Nanlalamig na, ika nga. She's been trying to figure out what she did to anger him as a result of his changes but she can't come up with anything. At dahil na rin sa h...