Chapter 4

107 9 0
                                    

#HFIT04

“Sorry. Sorry talaga, babe. Busy lang talaga sa laro. Babawi talaga ako pagkatapos ng Intrams.”

“Oo, bumalik ka na doon.”

“Sige, chat kita mamaya ah?”

Pinagkrus ko ang mga braso ko habang siya naman ay kumaway na at tumakbo papalayo sa ‘kin para bumalik doon sa mga ka-team niya. Nakakainis. Nakakasira ng araw.

3rd day ng Intrams, ganun pa rin siya. Busy daw sa laro. Busy pati gabi. Busy buong araw! Ni hindi man lang ako bigyan ng oras o kahit update man lang kung nasaan siya o kung ano ginagawa niya?! Sino’ng ‘di maiinis doon?

Kapag naman nagreklamo ako, sasabihin niya na nakakasakal daw. Na parang wala raw ako tiwala sa kaniya. E binibigyan niya na lang naman ako ng oras makausap at makita kapag nag-s-sorry siya.

Noong isang araw ko pa iniisip kung may nagawa ba ako kung bakit nagiging ganitong boyfriend si Dominic pero wala! Wala akong maisip. Maybe because, wala naman kasi akong nagawang mali!

Bumalik ako sa room kung saan ‘yong mga volleyball players since doon kami in-assign ni Pres, kasama si Annalisse. Sumama naman sa ‘kin si Alex kasi may mga kaibigan naman siya doon at wala naman daw siya ibang mapuntahan.

“Saan ka galing?” Umiling ako sa tanong ni Alex pagdating ko bago pabagsak na naupo sa isang armchair. Sinundan niya naman ako. “Ayos ka lang ba?”

“Oo.”

“Mukhang badtrip ka. May nang-away ba sa ‘yo sa labas?”

Umiling ako. Umupo naman siya sa table nung armchair na ‘yon at nagsimulang magkwento pero hindi ko naman maintindihan mga sinasabi niya. Hindi mawala sa utak ko si Dominic. Nakakaasar!

“Yo!” Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Dominic. Dire-diretso siyang pumasok ng room pero napatigil din agad nang magtama ang mga tingin namin. Mukha naman siyang nagulat at awkward akong nginitian bago siya tumalikod at lumabas ng room.

Weird, ano gagawin niya rito?

“Parang tanga naman si Dominic. Papansin,” narinig kong sabi ni Alex. Natawa ako dahil doon.

“Akala ko nandito na naman para mang-gulo.” Nagtawanan ‘yong ibang players habang inaasar ‘yong team captain nila . . . ewan ko kung si Dominic ba tinutukoy nilang nang-gugulo o ano. Umingos lang ‘yong team captain nila bago umirap.

Hanggang sa matapos ang buong Intrams ay hindi kami nagka-ayos ni Dominic. Malabo na nga kung ano’ng meron kami. Parang kinakausap niya lang ako kung kelan niya naalala na may girlfriend siyang naghihintay sa kaniya mag-message.

Friday. Kakatapos lang nung 4 days na Intrams ng school kaya busy ako maghapon para tapusin ‘yong mga projects and school works ko last week na ‘di ko nagawa dahil busy kami mag-prepare sa Intrams. Umuwi rin ako nang maaga galing school para makapagpahinga kaagad.

Tuloy pa rin training nina Dominic since nakapasok raw sila sa District Meet ng Palaro. Nalaman ko lang ‘yon kay Annalisse kasi ‘di naman ako nanuod ng basketball games nila.

To: Doms
Kumusta? Ako pa rin ba? Haha.

Natawa ako nang i-send ko ang message na ‘yon. Mag-sorry lang talaga si Dominic sa ‘kin kahit isang beses, papatawarin ko siya at babalik kami sa dati. ‘Yong kahit sa chat lang kami nakakapag-usap nang matagal, masaya at kinikilig ako kasi puro kami biruan at lambingan . . . wait, ang cringe nung word na lambingan.

Pagkabihis ko ng pantulog ay ni-check ko phone ko dahil baka nag-reply si Dominic. At tama nga ako, nag-reply nga.

From: Doms
Oo naman, ano na naman ba pumasok diyan sa utak mo? Bakit ka na naman nag-o-overthink? E puro nga ako training. Wala akong babae at wala akong ibang mahal kundi ikaw.

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon