Chapter 1

264 12 0
                                    

#HFIT01

"Sino pa hihintayin mo? Ingat ka, mauna na ako."

"Ah, mga SSG officers lang. May meeting pa kasi kami e. Sige, ingat din." Kumaway pa ako kay Alex bago dumiretso sa loob ng court para hintaying matapos ang boyfriend ko.

Hindi kasi niya alam na may boyfriend ako e, kaya kelangan ko magsinungaling sa kaibigan ko.

Tumayo ako sa may tabi ng school ground para i-chat siya pero bago ko pa man ma-send 'yong message ay nakita ko na siyang naglalakad palapit sa akin . . . nakangiti pa habang kumakaway. ‘Yong bag niya ay nakasabit sa isang balikat habang sa kabila ay mayroong nakasabit na towel.

"Tara na." Inakbayan ako ni Dominic. Inalis ko kaagad 'yong braso niya sa balikat ko kasabay ng pagsimangot ko dahil sa ginawa niya.

"Pawis mo!"

"Kakabihis ko lang." Tinawanan niya pa ako bago niya binalik 'yong pagkaka-akbay sa 'kin.

Kakatapos lang ng training nila sa basketball. Dumiretso naman kami agad palabas ng school para umuwi na pero bago ‘yon, niyaya niya muna ako kumain. Himala nga e . . . minsan lang kami lumabas nang magkasama. Wala kasi masyado nakakaalam ng relasyon namin.

O ewan ko kung meron nga bang nakakaalam maliban sa ‘ming dalawa.

He's my first boyfriend. Inaamin ko, crush na crush ko na siya dati pa. Syempre, sino ba naman ‘di magkaka-crush sa kaniya e pogi siya, magaling na basketball player . . . plus matangkad? Hehe. Last school year lang siya umamin sa ‘kin na gusto niya rin ako dahil nahalata niya na crush ko siya tsaka binulgar ako nung kaklase ko dati. Tsaka papansin rin kasi ako sa facebook, e. Nung una, nagdadalawang-isip ako dahil ayaw naman sa kaniya ng mga kaibigan ko.

Pero shala, eto na nga kami ngayon.

Okay naman ako sa lowkey relationship. Actually, mas okay nga 'yon. Isa rin kung bakit hindi ko masabi sa kaibigan ko na kami ni Dominic dahil ayaw nito sa kaniya. Playboy daw kasi si Dominic at maraming ex, huwag na raw ako dumagdag. E kaso, tanga naman ako. Pumatol pa rin.

"Ano'ng gusto mo? Pili ka." Dumiretso kami sa isang resto para mag-dinner. Marami kaming nakakasabay na mga estudyante pero hindi nila ako kilala kasi madalas, mga taga-kabilang school ang nandito. Si Dominic lang kilala nila since sikat nga siya.

"Magkakanin ako para 'di na ako kakain sa bahay."

"Sige, alin ba riyan gusto mong ulam?"

"Kung ano na lang sa 'yo."

Tumayo siya para um-order. Ngumiti muna si Dominic at kumindat sa 'kin bago dumiretso sa counter. Kaagad kong naramdamang namula ako dahil doon.

Parang tanga naman. Anim na buwan na kami pero parang first time namin lagi mag-date. Nakakahiya.

Pagbalik ni Dominic ay sabay kaming kumain habang nagkukwento siya tungkol sa training nila. Tumatango naman ako nang tumatango na parang may naiintindihan ako pero ang totoo, wala talaga ako interes sa basketball o sa kahit anong sports. Gusto ko lang siya pakinggan.

"Ikaw? Kumusta araw mo?"

"Ah, nag-meeting 'yong buong SSG officers kanina. Kasi 'di ba, malapit na 'yong Intrams? Kasama kami nung MAPEH Club mag-prepare para doon."

"HUMSS Representative ka, 'di ba?" Tumango ako sa tanong niya. "O, edi magiging busy ka kapag nagsimula na kayo riyan?"

"Mediyo. Marami-rami rin kasing gagawin. Alam mo na, 4 days din 'yon. E ikaw 'di ba magiging busy ka rin? Training?"

"Oo. Kita nalang tayo sa campus kapag nagkita tayo. Makikita naman kita niyan since officer ka naman."

"Baka i-assign ako ni Pres. sa mga lineup na hinati nila by grade level. Kaya baka 'di tayo magkita madalas."

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon