Epilogue

219 9 1
                                    

#HFITEpilogue

Grade 10.

"Lana, sino 'yon?" patago kong tinuro sa kaibigan ko 'yong babae na katabi ni Ate Pat. Meron kasing nangangampanya dito sa room para maging SSG officers next school year.

"Alin diyan?"

"'Yong nasa gilid, 'yong mahaba ang buhok."

"Si Meeca. Taga-kabilang section."

"Saang posisyon tumatakbo?"

"HUMSS representative."

"Ah," tumango-tango ako. "Transferee ba? Ba't parang ngayon ko lang siya nakita?"

"'Di kasi siya pala-participate sa mga activities dito sa school. Pero matalino 'yan. Top 1 'yan lagi nung section nila."

"Ba't 'di ko 'yon alam?"

Inirapan ako bigla ni Lana kaya kumunot 'yong noo ko. "Duh? Kelan ka ba nagka-interes alamin buhay ng mga taga-kabilang section. Tsaka maraming section sa school natin, alangan kada labas ng list, aalamin mo lahat ng naging top 1."

Hindi na ako nagsalita. May something sa kaniya. Parang kilala ko siya na hindi? Parang nagkaroon na kami ng bonding dati pero hindi ko naman siya kilala? Ngayon ko lang naman siya nakilala.

Pero meron talaga akong nararamdaman na hindi ko maintindihan at gusto ko malaman kung ano.

Meeca . . .

Simula nung araw na 'yon ay palagi na akong curious sa kaniya. Inaantay ko siya laging dumaan sa tapat ng room kada umaga 'pag pasok niya at hapon naman 'pag pauwi. Nakikita ko siya lagi na may kasabay na mga kaklase niya siguro.

Mukhang tahimik lang siya maging kaibigan.

"Cali!" Napalingon ako sa inuupuan ni Lana dahil nakatayo ako sa may pinto. Kakadaan lang nina Meeca at nung mga kaklase niya. "Halika."

Lumapit ako sa kaniya. Hinila niya agad ako papaupo sa tabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Pinakita niya sa 'kin 'yong chat nung isa kong ka-team sa volleyball. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa nabasa ko!

Balak nga ni Ate Les na si Cali ang ipalit na team captain, e.

"Ate Les, hindi ko po ito kaya. Marami ginagawa 'pag senior high. Hindi ko po matututukan ang volleyball," pagmamakaawa ko pero mukhang hindi sila naaawa sa 'kin kasi tumatawa pa sila. Pambihira.

"Magaling ka, Cali. Nakikitaan din kita ng potential bilang isang captain. Kaya kita napili kasi alam kong hindi mo ma-d-disappoint ang buong school."

"Ate Les naman–"

"Naniniwala ako sa 'yo."

"Sige na, Cali. Please?"

Hindi ako makapagsalita pagkatapos nun. Okay! Aamin ko na. Gusto ko talaga . . . pero slight lang! Iniisip ko rin kasi talaga 'yong pressure na mararamdaman ko if pagsasabayin ko ang pagiging estudyante pati pagiging player.

Tsk, bahala na nga!

"O-Okay po."

Binato ko ng papel si Lana nang pumalakpak siya bigla sa harap ko. Tinawanan niya naman ako nang tinawanan pagkatapos nun.

"Woh! Lakas talaga ng future team captain, o!"

"Ingay mo."

"Haha! Nakakainis tuloy na 'di kita maaabutan na team captain sa volleyball."

"'Wag ka na kayang lumipat," biro ko pero ayaw ko talaga siyang lumipat ng school next school year. 'Yon nga lang, kelangan talaga niyang bumalik na sa Pampanga.

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon