Chapter 6

119 11 1
                                    

#HFIT06

Kumaway agad ako kay Cali nang dumaan siya sa tapat ng table kung nasaan kami ni Alex nag-l-lunch. Kaagad naman siyang kumaway pabalik at ngumiti. Mahina akong natawa.

“Close pala kayo ni Cali?” tanong ni Alex nang makalayo na siya.

“Mediyo. Nitong mga nakaraang araw lang din.”

“Paano kayo naging close?”

“Sa chat lang . . . siguro,” ngumiti na lang ako nang tipid dahil hindi ko masabi sa kaniyang naging close kami dahil sa gagong boyfriend ko.

And speaking of, hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapag-usap. Palagi niya akong iniiwasan at sinasabing busy raw siya. Nagsusumbong naman agad sa ‘kin ni Cali kapag nag-m-message sa kaniya si Dominic. Sinabihan ko kasi siya na ‘wag na lang i-block para may makuha akong ebidensiya, just in case.

“Talaga? Ang galing mo naman. Mahirap raw sa kaniya maki-close, base sa mga naririnig ko.”

Hindi na lang ako umimik. Paano ba ‘yan, e siya mismo tumawag sa ‘kin at nakipagkita? Siya pa nag-offer ng friendship.

“Hi!” Napalingon ako sa nagsalita at napangiti rin agad nang makita ko si Cali. Uwian na at kakalabas ko lang ng room. Na-late akong labas since cleaners kasi kami ngayon.

“Hi. Pauwi ka na rin?”

“Yeah, sabay tayo?”

Sabay kaming naglakad papalabas ng school. Walang nagsasalita sa ‘min kaya mediyo awkward. Bahagyang lumingon ako sa kaniya para basagin ang katahimikan.

“Wala kayo training ngayon sa volleyball?”

Umiling siya. “Rest day ‘pag Wednesday. Bukas ulit kami balik sa training.”

“Ah, hirap siguro pinagsasabay ‘yong pag-v-volleyball tsaka pag-aaral.”

“Hindi naman. ‘Di ko ginagawa, e. Baka pagalitan ako bigla ng teacher namin kapag nag-spike ako ng bola sa room habang nagtuturo siya.”

“Nakakainis!” Sabay kaming natawa.

Dumaan muna kami sa waiting shed kung saan ako naghihintay ng jeep na sinasakyan ko pauwi. Siya naman ay naglalakad lang pauwi kaya hinintay niya munang makasakay akong jeep bago siya naglakad papauwi.

Umayos na ‘yong pakiramdam ko dahil kay Cali nung araw na ‘yon. Nawala na sa utak ko si Dominic. Nasira nga lang lahat nang maka-receive ako ng message sa kaniya nung gabi.

From: Doms
Kita naman tayo bukas. Miss na kita, babe. I love you.

Umirap ako at ‘di na siya ni-reply-an. Bago ako matulog ay tinawagan ko si Cali para ikwento ‘yon sa kaniya.

“Kaya pala ‘di nag-message ngayong gabi. Sa ‘yo pala naka-schedule.”

Sabay kaming natawa sa sinabi niya. At this point, hindi na ako ‘yong nagmumukhang tanga sa ‘ming dalawa ni Dominic . . . siya na. Ni wala nga siguro ‘to ideya na friends na kami nung nililigawan niya.

“Sa tingin mo, bakit hindi siya pumapayag makipag-break? E ‘di ba, nagsabi naman na ako sa kaniya noon na break na kami pero sabi niya ‘wag daw. Nag-please pa nga.”

“Maybe because, hindi ko pa kasi sinasagot. Wala pa siyang pamalit, ganun.”

“May point ka.” Tumihaya ako ng higa bago nilagay sa may tabi ko ‘yong phone para ipagpatuloy ‘yong sinasabi ko. “Siguro, feeling niya talaga may chance siya sa ‘yo at kaya ka niya idaan sa charm niya–“

“Ew? Nasaan naman ‘yong charm doon? Bulag na lang nagkakagusto doon.”

“Grabe ka naman! I am offended!” Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. Pabiro akong umirap habang naiiling.

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon