Chapter 11

99 5 2
                                    

#HFIT11

“Ate, help mo na ako. Sige na, please? Gusto ko talaga sumama sa camping na ‘yon. SSG officer ako, Ate. HUMSS Representative. Sige na.”

Nakangiwi lang habang nakatingin sa ‘kin si Ate. Kanina ko pa kasi siya kinukulit na ipagpaalam ako kay Mama, e. Kung bakit ba kasi sinabi ni Cali na may sasabihin siya?! Edi sana ‘di na ako nagpapakahirap nang ganito.

“Ate!”

“Kakausapin ko si Mama mamaya.”

“Yey, thanks!” Niyakap ko siya sa sobrang tuwa.

Nandito kami ngayon ni Cali sa bookstore. Saturday kasi, wala na siyang training, wala na akong ginagawa, kaya naisipan naming lumabas. Niyaya ko si Alex kaso busy raw siya.

“Maganda ba ‘to?” Pinakita ko sa kaniya ‘yong isang bookset.

“Hindi ko pa nababasa pero meron akong copy niyan.”

“Talaga? Edi next time ko na babasahin kapag tapos mo na para marinig ko ‘yong review mo about doon.”

“Sige,” natatawang sabi niya. Tumalikod naman ako para pumunta sa kabilang shelf. Gusto ko bumili kasi sale sila ngayon kaso wala ako mapili!

Napalingon ako nang ‘di ko na maramdaman si Cali sa likod ko. Kumunot ‘yong noo ko nang ‘di ko siya makita. Bumalik ako sa pwesto namin kanina.

Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang makita kong nag-uusap si Cali at si Dominic. Nakatalikod bahagya sa ‘kin si Cali kaya nagdalawang-isip ako kung lalapit pa ako o hindi.

Umatras ako at bumalik sa shelf na pinuntahan ko kanina.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko nang bumibigat ‘yong paghinga ko. Ano ba ‘to? Bakit ba ako nasasaktan? Dapat naka-move on na ako kay Dominic . . . at saka, dapat hindi ko pinagseselosan si Cali dahil magkaibigan kami.

Huminga ako nang malalim bago sinubukang kalmahin ang sarili. Halos mapatalon naman ako sa kinatatayuan ko nang may humawak sa ‘kin sa braso.

“Okay ka lang, Meeca?” nag-aalalang tanong ni Cali nang humarap ako. Dahan-dahan naman akong tumango.

“B-Bakit?”

“Namumutla ka. Ayos ka lang ba?”

“Ah! Haha, oo! Mainit kasi,” natatawang sabi ko. Mediyo kumunot ‘yong noo niya doon bago tumango, mukhang hindi pa kumbinsido sa sinabi ko.

“Andito si Dominic kanina. Nakita mo?”

“Ha? Hindi. Nasaan ba?”

Ayaw ko nga makita si Dominic! Naasar ako. Akala ko pa naman, nasa healing process na ako.

“Nakasalubong ko kanina. May tinanong tungkol sa i-t-take naming exam sa Monday kasi sinabihan kami nung teacher sa GenBio na sabay na lang daw kami. Kaya ‘pag minalas ako sa Monday, alam mo na.”

Sabay kaming natawa sa sinabi niya. Niyaya niya na rin ako palabas ng bookstore nung wala na talaga kaming napili na bilhin. Tsk, magtitipid na lang ako.

Dumiretso kami sa isang resto para mag-lunch. Siya na nag-order ng food namin, as usual, kasi hindi ko kaya um-order, haha. Kung sino pa HUMSS student sa ‘min, ‘yon pa mahiyain.

Nakatingin lang ako kay Cali habang nakapila siya nang maagaw ‘yong atensyon ko ng dalawang taong dumaan sa harap ng resto na pinasukan namin. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung sino ‘yon.

Shocks! Si Dominic . . . k-kasama niya ‘yong isang member ng MAPEH Club! ‘Yon ‘yong nagsabing pogi ni Dominic nung pumasok si Doms sa SSG office nung mga panahong kami pa.

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon