Chapter 7

113 8 1
                                    

#HFIT07

“Sasabay ka ba sa ‘kin mamaya pag-uwi?” tanong ni Alex habang pabalik kami sa Senior High Building. Hapon na at parehas kaming free time kaya nagkita kami. STEM kasi siya habang ako ay HUMSS kaya minsan lang kami magkasama kapag class hours.

“Hindi.”

“Okay. Sino kasabay mo? Pansin ko nitong mga nakaraang araw, ‘di ka na sumasabay sa ‘kin, ah?”

“So? Tampo ka niyan?”

“Kadiri ka.” Natawa ako nang malakas sa sinabi niya habang siya naman ay mukhang diring-diri sa ‘kin. Tsk! “Sino nga kasabay mo?”

“Si Cali. Sino pa?”

Napatigil siya sa paglalakad at tumitig sa ‘kin. Na-weird-an agad ako sa ginawa niya kaya patuloy akong natawa. Bigla niya akong binigyan nung suspicious na tingin kaya napatigil ako.

“Close talaga kayo ni Cali, ‘no?”

“Mediyo . . . I mean, siguro. Oo? Bakit?”

“Parang biglaan din kasi ‘yong closeness niyo. Naalala ko isang araw, nabanggit mo na lang sa ‘kin na friends kayo. Paano kaya ‘yon?”

“Sa chat nga! Parang baliw ‘to.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nagkukwento ako. Kelan kaya ‘yong tamang oras para mabanggit ko kay Alex na si Dominic talaga ng dahilan paano kami naging close? Baka kasi i-friendship over niya ako kapag nalaman niyang naging kami.

“Ikaw una nag-chat?” Tumango ako sa tanong niya. “Crush mo siguro si Calista, ‘no?! Kasi wala naman ako ibang maisip na dahila–“

“Baliw ka ba, Alex?! Hindi, ah!”

“Ay? Homophobic ka, girl?”

“Kung homophobic ako, matagal na kitang itinakwil sa buhay ko dahil wala kang ibang ginawa kung ‘di maghasik ng kabadingan sa pagkakaibigan natin!”

Tawa siya nang tawa sa sinabi ko kaya natawa na rin ako.

“Nagbibiro lang, ‘to naman! Malay mo naman kasi . . . ‘di ba?!”

“Hindi. ‘Di ko nakikita sarili ko na ano . . . na may girlfriend. Plus, parang hindi ako tatanggapin ng pamilya ko. Baka palayasin ako sa ‘min.”

“Okay lang ‘yan. Tanggap naman kita, if ever.”

Tinapik niya ako sa balikat kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pagkatapos ay bumalik na naman ‘yong nakakaasar niyang tawa at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

“Hindi nga ako bading tulad mo!”

“Sinabi ko rin ‘yan noon, Meeca. Tignan mo ako ngayo–“

“Alex!”

Dumiretso ako sa court kung saan nag-t-training ang mga volleyball players pagkatapos ng klase namin. Naabutan ko silang naglalaro kaya naupo muna ako sa isang bench. Mas maaga matapos training nila kumpara sa basketball na ginagabi kasi ayaw ni Cali na magabihan din sila. Babae pa naman daw ‘yong mga players.

In-open ko muna ‘yong phone ko para kalikutin dahil naboboring naman ako manuod ng laro nila. Wala rin naman akong alam sa volleyball. Bakit ba kasi ako pinanganak na ‘di man lang marunong ni isang sports?

“Salamat, Kap! See you tomorrow!”

“Ingat kayo.”

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Cali sa harap ko. Mediyo kumunot ang noo ko dahil iba ang tono ng boses niya kapag nasa ibang bagay tapos iba rin kapag nasa akin na at sa mga ka-team niya. Ang seryoso kaya ng boses niya kapag training tapos nakakatakot.

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon