Chapter 10

100 5 1
                                    

#HFIT10

“This Science Backyard Camp will be held at the first week of December together with the Sci-novation Day of our school. This is not actually mandatory, but I am encouraging everyone to join since we’re Student Councils and we will be the one to organize this event together with the Science Faculty . . .”

Antok na antok na ako sa mga sinasabi ni Pres., ni hindi ko na nga maintindihan pa ‘yong iba. Basta huling naalala kong sinabi niya, meron kaming camping. Halos isang oras na kaming nandito, mukhang excuse na nga yata ako sa last subject namin.

Pero okay lang, hindi naman na si Ma’am nagtuturo.

“Sino dito ‘yong mga sure na na makaka-join para maayos ko na ang mga gagawin niyo each activity? Also, aayusin ko na rin ‘yong schedule ng 3-day camping.”

Nakita kong nagtaas ‘yong kalahati sa ‘min pero hindi ako. Hindi pa naman kasi sure kung papayagan ako ni Mama tsaka ni Ate.

Pagkalabas ng SSG office ay naabutan ko si Cali na may kausap. Ngumiti naman siya sa ‘kin nang makita niya ako at tumaas bahagya ‘yong mga kilay bago pinagpatuloy pakikipag-usap kay Pres.

“Mauna na ako, Cali! Meeca!”

“Okay po, Pres. Ingat po kayo.”

“Ingat, Ate Kyla.”

Sabay kaming naglakad ni Cali. Napairap pa ako nang may makita na naman akong ka-team ni Dominic na lumapit sa ‘min. Nagalit talaga ako sa lahat ng ka-team niya dahil sa sinabi ni Cali. Nakakaasar sila!

“Nagugutom ka?” tanong ni Cali kaya umiling ako agad. “Gutom ka na. ‘Di ka kaya nag-lunch.”

“Hind– ha? Paano mo nalaman?”

“Narinig ko lang.”

“Chismosa ka talaga.” Tinawanan niya ako dahil sa sinabi ko. At dahil doon ay napapayag niya na akong kumain muna bago umuwi.

“Sasama ka sa camping?” tanong niya ulit habang kumakain kami.

“Hindi ko pa sure, e. Baka hindi ako payagan ni Ate.”

“Pero gusto mo?”

“’Di naman daw mandatory pero in-e-encourage kami ni Pres. na sumama. SSG daw kasi kami.”

“Pwede ka naman namin ipaalam ulit ni Alex.”

“Ayos lang. Ako na lang kakausap kay Ate.”

Natahimik kami pagkatapos nun. Maya-maya rin ay sabay na kami nang-j-judge ng mga lalaking pumapasok sa fastfood na kinakainan namin. Kuhang-kuha niya pa naman ‘yong punto ko!

“Ang asim, o.” Patago ko siyang tinapik sa braso dahil sa sinabi niya habang pinipigilan ang pagtawa ko nang malakas. “Chill. Kilala ko ‘yan. Cheater din ‘yan.”

In fairness, ah? Habang tumatagal, papangit na nang papangit ang mga cheater sa mundo. Hindi ba sila nahihiya para sa sarili nila? Sa ugali na lang babawi, ‘di pa magawa.

“Cute nila, tignan mo.” Patago kong tinuro sa kanila ‘yong kakapasok lang na couple. Tumango-tango naman siya sa sinabi ko. “Hula ko ay matagal na sila.”

“Matagal na talaga si Kuya Reed at si Ate Hym. 5 years na sila.”

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. Pambihira. Halos lahat na lang kilala niya?!

“Parang kilala mo buong tao sa mundo, ah?” pabiro kong sabi kaya natawa siya doon.

“Mediyo,” pakikisabay niya sa biro ko.

“Kung ganoon, meron ka na favorite person?! Kasi syempre, kilala mo na lahat, e. Malalaman mo na sino favorite at the best sa kanilang lahat.”

“Tama.”

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon