Chapter 13

89 5 1
                                    

#HFIT13

“Meeca!” Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang dambahin ako ng yakap ni Alex at Cali nang dumating ako sa school na may dalang bag na malaki. ‘Di ko kasi nabanggit sa kanila na pinayagan ako sa camping, e. Para surprise, malamang.

Nang maglapag na ‘yong Science Club President ng instruction ay kaagad naman naming sinunod ‘yon. Inuna naming i-assemble ‘yong tent bago namin inayos sa loob.

In fairness, malaki nga ‘yong tent ah?

“Hay!” Napahiga ako sa loob nang maayos na rin namin lahat. Tumabi naman sa ‘kin si Alex habang si Cali naman ay nasa labas pa. “Ano ginagawa ni Cali? Tapos na tayo, ‘di ba?”

“Ah, oo! Kausap ni Cali si Theo, haha. Kilala mo si Theo, ‘di ba? Crush nun si Cali.”

Natahimik ako sa sinabi ni Alex. Parang nakakairita naman ‘yong sinabi niya. Dapat ‘di na lang ako nagtanong, tsk.

Mahinang natawa si Alex sa tabi ko kaya napalingon ako sa kaniya. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay umiling lang siya bago umiwas ng tingin.

“Hi.” Pumasok si Cali sa loob ng tent kaya napaupo ako. Si Alex naman ay nakahiga pa rin. “Mag-ready na lang daw para sa opening program mamaya. Ayan na ba susuotin niyo?”

Napatingin ako sa damit ko. Mukhang okay naman.

“Okay na siguro?”

“Malamig ngayon. May jacket ka ba?”

Napatigil ako saglit habang iniisip kung nakapagdala ba ako ng jacket o hindi. Anak ng . . . andaming pwedeng makalimutan, jacket pa!

“N-Nakalimutan ko yata.”

“Okay lang. Dalawa jacket ko dito,” sabi ni Cali sa ‘kin. Ngumisi naman ako doon bago siya hinawakan sa braso.

“Thanks.”

Pagkabihis ni Alex ay dumiretso kami sa school gym para sa opening program. Nang makarating doon ay sa lapag lang kami umupo since ‘di naman naglagay ng mga monobloc– malamang. Obvious naman kasi sa lapag nga kami nakaupo, ‘di ba?

Nakapatong ‘yong kamay ko sa may tuhod ni Cali sa tabi ko na naka-indian seat. Sa kabilang side ko naman ay si Alex na busy sa phone, mukhang kausap girlfriend niya. Palinga-linga naman ako ng tingin para tignan kung sino ‘yong mga sumali.

“Hi, Meeca! Pwede ka ba mahiram saglit?” Tumango ako at tumayo para sumama kay Annalisse. Nagpaalam muna ako kina Cali bago ako tuluyang tumalikod.

Inayos namin ni Annalisse ‘yong mga flags sa backstage habang hindi pa nagsisimula ‘yong program. Dumating naman si Pres. habang nasa kalagitnaan kami ng paglalagay ng flags sa box.

Nang ma-organize na lahat ay bumalik na ako sa pwesto namin.

Nagsimula na rin ‘yong opening program. Nagbubulungan lang kami nang nagbubulungan ni Cali ng mga corny na jokes namin habang may nag-s-speech sa unahan.

“Parang penguin maglakad si Sir– aray!” Napahawak si Cali sa tiyan niyang mahina kong siniko. Umiwas naman ako ng tingin para mapigilan ang pagtawa. “Mamaya gagayahin ko lakad niyan.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumawa na ako nang tumawa kaya sinubsob ko ‘yong mukha ko sa braso niya. Naramdaman ko naman ang panginginig ng katawan niya dahil sa pagtawa.

Gabi na. After ng opening program ay dumiretso kami sa school ground kung saan gaganapin ‘yong Camp Fire Lighting. Napalingon ako nang ‘di ko na maramdaman ‘yong kapit ni Alex sa damit ko. At dahil sa nakakapit ako sa braso ni Cali ay napatigil din tuloy siya.

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon