Chapter 14

82 5 0
                                    

#HFIT14

“Meeca, okay ka lang ba? Tulala ka yata?” Napakurap ako nang ilang beses nang magsalita si Alex sa tabi ko. Tinignan ko muna siya bago ako natulala ulit sa kawalan, hindi alam ang gagawin. “Pwede ka magkwento sa ‘kin.”

“Okay lang.”

“Kung ayaw mo magkwento, okay lang. Basta kapag ready ka na, kwento ka.”

Tumango lang ako sa sinabi niya bago umiwas ng tingin. Napatulala ulit ako. Hindi ko tinapos ‘yong camping. Kinaumagahan nung gabing ‘yon, nagpaalam na ako kay Pres. na masama ang pakiramdam ko. ‘Yon din ang alam ni Alex kung bakit umuwi ako agad.

Sabado ngayon at nandito si Alex sa bahay, hindi ko rin alam kung bakit. Bale, 5 days kaming walang pasok dahil sa gagamitin ang school namin sa isang event for 3 days. At dahil na rin sa mahaba-haba bakasyon, nabanggit sa ‘kin ni Alex na bumalik sa training sina Cali.

Napahinga ako nang malalim. I feel bad. Hindi ko na siya kinausap pagkatapos nun. Siguro nabigla lang ako sa mga sinabi niya.

Pero wala namang kaso sa ‘kin kung gusto niya ako. ‘Wag lang siyang aasang masusuklian ko ang pagkagusto niya . . . kasi alam kong hindi. Gugustuhin ko man pero alam kong hindi ko kaya.

Babae ako. Siguro nabibigla lang din ako since si Cali ang kasa-kasama ko pagkatapos namin maghiwalay ni Dominic. Si Cali ‘yong tumulong sa ‘kin para makalimot.

At ayaw ko naman na magustuhan ko siya dahil lang sa tingin ko ay may utang na loob ako sa kaniya. Kahit naman siguro siya ay ‘di niya magugustuhan ‘yon.

“Alex . . .” Napahawak ako sa braso niya nang binalak niyang tumayo. Napalingon siya agad sa ‘kin.

“Bakit? May problema ba?”

“May aaminin ako sa ‘yo. Please, ‘wag kang magagalit o ano. Pinagsisihan ko naman na, e.”

Nagsalubong bigla ‘yong kilay niya dahil sa sinabi ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa itsura niya!

“Ano ba ‘yon, Meeca?”

“Si Dominic . . .”

“O? Crush mo si Dominic?”

“Actually . . . uhm, ex ko siya? Hehe.”

Bigla niya akong binatukan kaya napasimangot ako. Nagbalak pa siyang hampasin ako nung throw pillow kaya tumayo ako agad para makailag. Nagsalubong lalo ‘yong mga kilay niya habang nakatingin sa ‘kin.

“Kelan?!”

“Nung Grade 10–“

“At gaano kayo katagal?!”

“6 months– oh my gosh, Alex! Sorry, sorry!” Hinabol niya ako bigla nung walis na naabot lang ng kamay niya kaya tumakbo papasok ng kwarto niya. Bago ko pa man masara ‘yong kwarto ay nailagay niya na sa pagitan ng pinto ‘yong walis.

“Buksan mo ‘yan, Meeca. Hindi kita hahampasin o ano, kakausapin kita.”

Binitawan ko ‘yong pinto at dumiretso akong kama niya bago pabagsak na humiga. Umupo naman si Alex sa kabilang side ng kama bago napatitig sa ‘kin.

“Explain. Paano naging kayo?”

“Meron kasi akong kaklase dati . . . si Helen. Nalaman ni Helen na crush ko si Dominic, matagal na. Tapos ‘yon, nakarating kay Doms hanggang sa in-add niya ako sa Facebook, nag-talking stage, ligawan tapos ‘yon na, kami na.”

“At ilang months ka niya niligawan?”

“Ay, hindi months. 2 weeks lang.”

“Tanga ka talaga. Bobo pa.”

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon