Chapter 5

135 10 1
                                    

#HFIT05

Alas dos na pero hindi pa rin ako makatulog dahil sa nalaman ko.

Bwisit ka, Dominic. Bwisit ka talaga! Ilang beses kitang pinatawad sa mga mali mo tapos igaganti mo sa ‘kin, malalaman ko pa sa iba na may iba ka na pa lang gusto?! Na nililigawan mo na pala?!

Tinakpan ko ulit ng kumot ‘yong mukha ko dahil naramdaman kong naiiyak na naman ako. Pambihira talaga! Bakit ko ba iniiyakan ‘yon?! Nakakainis siya!

Humahagulhol ako habang nag-s-scroll sa Messenger, iniisip kung sino’ng pwedeng i-message sa ganitong oras. Hindi naman ako makapag-rant kay Alex dahil malalaman niyang kami ni Dominic. Ayokong malaman niya lalo na ngayon na may nalaman ako.

Napunta ako sa Facebook. Huminga muna ako nang malalim bago ni-type ‘yong pangalan nung babae sa search bar . . . mediyo nanginginig pa ‘yong kamay. Alam ko kapag nakita ko ‘yong babae, masasaktan ako. Pero gusto ko makita! Gusto ko masaktan e, bakit ba?!

“Nakakainis ka talaga, Dominic. Break na talaga tayo,” bulong ko sa sarili habang umiiyak pa rin. Kaagad kong pinunasan ‘yong mga luha ko dahil lumalabo ‘yong mga mata ko.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung sino si Calista Aranda.

Oh my god! Siya ‘yong team captain sa volleyball.

At dahil naka-private ang Facebook account niya ay pinindot ko ‘yong Add Friend. Baka kasi sa mga post niya nagkakalat si Dominic! Makahanap man lang ng ebidensiya bago ko siya makausap tungkol dito. Dahil alam ko na babaliktarin niya lang ang kwento kapag na-confront ko siya. Baka umarte siyang biktima, e.

Halos mapatalon ako sa kinahihigaan nang tumunog ‘yong notif ng Facebook. Nang i-check ko ‘yon ay nakita kong in-accept kaagad ako nung Calista. Pumunta ako sa profile niya para mang-stalk.

“Hala, ang ganda niya talaga.” Napaiyak na naman tuloy ako dahil sa insecurities.

Pangit ba ako? Ano ba ang kulang sa ‘kin ba’t nagawa pa ni Dominic maghanap ng iba? Ginawa ko naman lahat para maging mabuting girlfriend sa kaniya. Ni hindi na ako nagrereklamo sa mga kakulangan niya sa ‘kin bilang boyfriend.

Naghangad ba ako nang sobra kaya nasakal siya?

Tinakip ko ‘yong unan sa mukha ko para sumigaw habang nilalabas lahat ng hinanakit ko. Pagkatapos ay pinunasan ko agad ang mga luha ko at sumimangot. Binalik ko ‘yong pag-stalk kay Calista.

Wala naman siyang masiyadong posts maliban sa mga pictures nila ng buong volleyball team. Nakita ko kaagad na naka-heart react si Dominic. Tapos doon sa isa post, nag-comment pa nga ng heart emoji. Nakakaasar.

Dominic Velasco: ganda mo!

Huminga ako nang malalim para pigilan ang sarili kong umiyak ulit. Bakit sa ibang babae, nagagawa niya ‘yon? Pero sa ‘kin, sa loob ng anim na buwan, ni hindi niya ako sinabihan ng maganda.

Hindi ko na kaya. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipindot ‘yong Send Message sa profile ni Calista. Huminga ulit ako nang malalim bago pinunasahan ng likod ng palad ko ang mga mata ko.

Ilang beses akong nag-type ng message kay Calista pero binubura ko lang din naman.

Meeca: Hi. Kaano-ano mo si Dominic?

“Nakakahiya!” Binato ko ‘yong phone sa paanan ng kama bago sinubsob mukha ko sa unan. Hindi ako nag-angat ng tingin hanggang sa marinig ko ‘yong notif sound ng phone. Dali-dali ko ‘yong kinuha.

Calista: Hi, Meeca! Hindi kami close ni Dominic, e. Bakit?

Nanlumo ako. Pinagloloko ba ako ni Theo?

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon