Chapter 9

101 7 0
                                    

#HFIT09

Maraming araw pa ang dumaan. Mas lalo kami naging close ni Cali. Hinihintay ko siya kada tapos ng training niya para sabay kami makauwi. Himala nga at walang reklamo doon si Alex, e.

“Meeca, punta na kasi tayo.”

“Alam mong wala akong hilig diyan.” Napairap ako kay Alex kaya bumagsak ang mga balikat niya. Niyayaya niya kasi akong manuod ng Palaro nina Cali sa isang venue na malayo dito sa ‘min. Nakakatamad kayang bumyahe, tsaka ‘di naman ako mahilig manuod ng mga laro.

“Samahan mo lang ako, please. Para matuwa rin si Cali after ng game nila.”

Halos mag-iisang linggo nang wala si Cali. Busy kasi sa Palaro. Minsan nakikita kong nag-v-videocall sila ni Alex tapos ibibigay sa ‘kin ‘yong phone niya para kami makapag-usap kahit gabi-gabi naman kami nag-c-chat.

“Hoy, Meeca. Dali na!”

“Meeca, ako na bahala sa pamasahe mo!”

“Ako na rin sa snacks, water, ticket– kahit anong gusto mo.”

“Dali na kasi, arte! Magagalit si Cali ‘pag ‘di ka pumunta.”

Napabuntong hininga ako dahil naiirita na ako sa pangungulit ni Alex. Naaasar na tumingin ako sa kaniya.

“Kelan ba ‘yan?”

Friday na hapon, umuwi muna ako para magbihis. Wala na kasi talagang pasok– actually meron, pero hindi naman na raw papasok mga kaklase ko since nagsabi na rin naman mga teacher namin na ‘di na sila papasok. Kelangan ko pa daanin si Ate sa charm ko para lang payagan ako! Pahamak talaga si Alex.

To: Alex
Nandito na ako! Nasaan ka na ba?

“Ang impatient naman.” Napalingon ako nang marinig ko boses ni Alex. Umiling na lang ako bago kami nagsimulang maglakad papunta sa sakayan ng bus.

“Matutulog ako. Malayo-layo pa ‘to.” Sumandal ako sa balikat niya nang makaalis na ang bus sa terminal. Hindi naman siya nagsalita doon at hinayaan lang ako kaya napapikit ako.

Naramdaman ko na lang na ginigising ako ni Alex kaya napamulat ako habang inaantok pa. Sumimangot muna ako dahil sa init kaya tumawa siya. Parang tanga.

Sinuot niya sa ‘kin ‘yong cap ko bago kami dumiretso papasok sa arena. Dami namang tao.

“Hala, game 3 na! Nangunguna sila!” narinig kong sabi ni Alex. Nakaupo kami ngayon sa lowerbox, mediyo kinakabahan pa ako kasi baka matamaan kami dito ng bola. Ewan ko nga kung paano si Alex nakahanap ng mauupuan dito kahit ‘di naman namin nasimulan ‘yong game.

Nakatingin lang ako kay Cali habang naglalaro siya bago ako mahinang natawa. Ang seryoso naman. Baka ‘pag nakita niya ako, magtawanan muna kami tapos ma-distract siya.

Joke. Ang kapal naman, Meeca.

“Woh! Go, Calista! Kapitana namin yan!” Mahina kong siniko si Alex nang sigaw siya nang sigaw sa tabi ko. “Ano ba?! I-cheer mo nga si Cali. Walang kwentang kaibigan ‘to, o!”

“Ewan ko sa ‘yo, bahala ka riyan.”

“Sigaw ka ng go, Kapitana! Dali! Baka naman, pati nickname ni Cali na Kapitana, ‘di mo pa alam?!”

Hindi ako umimik doon dahil ngayon ko lang din talaga nalaman na ‘yon ang tawag sa kaniya.

Pagkatapos nung game 4 ay mukhang frustrated na si Alex . . . pati ‘yong mga tao sa likod namin. Lumapit naman ako kay Alex para bumulong.

“Bakit frustrated kayo?”

Napa-pokerface siya dahil sa tanong ko pero sinagot niya rin naman. “Tie ‘yong score. 2-2. ‘Pag next game, natalo sila, talo school natin.”

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon