Chapter 15

113 5 1
                                    

#HFIT15

Tumalikod ako agad at naghanap ng ibang daan nang matanaw kong makakasalubong ko ‘yong buong volleyball team ni Cali. Hawak-hawak ko ‘yong strap ng bag ko bago ako dumiretso sa building ng mga Grade 7 para doon dumaan.

Ang tanga ko talaga! Bakit ko ba iniiwasan si Cali?! Nakakaasar naman.

Hinihingal akong nakarating sa room. Tumakbo ba naman ako para hindi ma-late! Letse kasing daan ‘yan. Akala ko pa naman shortcut, ang layo pala!

“Meeca.”

Napalingon ako nang marinig ko si Thalia, kaklase ko. “Hi! Bakit?”

“Inuutusan ako ni Theo, e. Sabihan daw kitang gusto ka niya makausap mamayang uwian. Sa school ground daw malapit sa court.”

Kumunot ‘yong noo ko dahil doon bago tumango. “Sige, sige. Thank you, Thalia.”

Ngumiti si Thalia bago tumalikod na. Hanggang sa nagklase na ‘yong first subject teacher namin ay iniisip ko pa rin bakit gusto akong makausap ni Theo.

Ano naman kayang kelangan niya sa ‘kin?

Nang mag-uwian ay dumiretso ako agad sa school ground. Nakita ko pa doon ‘yong bagong girlfriend ni Doms na mukhang papasok sa court. Nginitian ko agad siya nang lumingon ito sa ‘kin kaya ngumiti siya pabalik.

“Ay, hi! May . . . may pupunta ka sa loob?” nag-aalangan na tanong ko sa girlfriend ni Dominic. Napatigil naman ito sa paglalakad.

“Hi! Meron. Ikaw si Meeca, ‘di ba? SSG officer?”

Tumango ako. “Oo. Ikaw ‘yong member sa MAPEH Club?”

“Naalala mo pala ako.” Mahina siyang natawa. “Anyway, may pupuntahan ka rin ba sa loob? Bakit mo natanong?”

“Uh, pwede patawag si Theo? Pakisabi nandito na sa labas ‘yong gusto niya makausap. Uhm, ‘wag mo na rin sana banggitin name ko. Alam naman na ‘yon ni Theo. Thank you . . . uh, ano ulit name mo?”

“Alice. Sige, Meeca. Sabihan ko. Wait lang.”

“Thank you, Alice!”

Ngumiti muna siya sa ‘kin bago dumiretso sa loob. Awkward naman akong nakatayo sa labas habang hinihintay si Theo.

Napatalikod naman ako bigla nang makita ko si Cali. Shit! Bakit ba ako kinakabahan lagi kapag nakikita ko siya?!

“Meeca.”

Lumipat ‘yong tingin ko sa entrance ng court. Nakita ko si Theo na mukhang nag-t-training pa.

“Nag-t-training pa ba kayo?”

“Oo, pero nasa break kami ngayon. Tara, pasok ka!”

“Baliw ka ba?” tanong ko. Nandiyan si Dominic, nandiyan ‘yong girlfriend, tapos papapasukin niya ako?

Mukha namang na-realize niya agad ‘yong sinabi niya kaya natawa siya. “Oo nga pala! Pasensiya na. Tara, doon tayo sa bench.”

Dumiretso kami ni Theo sa bench malapit sa court. Tahimik lang akong umupo at hinihintay ang sasabihin niya. Nakita ko namang nagpunas muna siya ng pawis gamit ‘yong nakasabit na towel sa leeg niya bago siya tumingin din sa ‘kin.

“’Di na kayo nagsasama ni Cali.”

“Ha?” gulat na tanong ko. Hindi ko inasahan ‘yon, ah?

“Napansin ko.” Mahina siyang natawa. “Umamin na sa ‘yo, ‘no?”

Nanlaki ang mga mata ko. “U-Umamin . . . ano?! Baliw ka ba?!”

“Meeca, alam ko. ‘Wag mo na i-deny dahil kay Cali ko mismo nalaman.”

Her Fondness In Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon