#HFIT03
“May hinihintay ka bang message? Kanina ka pa check nang check ng phone mo, e.”
Mabilis akong napalingon kay Alex sabay lagay ng phone ko sa bag. Umiling din ako kaagad bago natawa at hinila na siya pabalik sa may SSG office. Uwian na kasi at hinihintay ko na lang ‘yong mga SSG at MAPEH Club officers para sa last meeting namin bago mag Intrams.
Hindi pa rin nag-m-message si Dominic. Okay naman kami . . . siguro. Pero hindi naman kami nag-away, ‘di na nga kami masyado nakakapag-usap nitong mga nakaraang araw.
“Oy, Meeca. Ayan na si Ate Kyla, o. Pasok na. Hintayin kita dito sa may bench.”
“Sige, wait lang ah? Mabilis lang ‘to.” Tumango lang si Alex sa sinabi ko.
Pumasok na ako ng SSG office nang pumasok na rin si Pres. Next week na magsisimula ‘yong Intrams, sa Monday. Kaya sabi ko, last meeting na ‘to. Andami rin ginawa noong mga nakaraang araw!
Binigay lang sa ‘min ni Pres. ‘yong t-shirt na susuotin namin next week at binigay niya ‘yong reminders ng kung saan kami naka-schedule at naka-assign. Mabilis lang natapos ‘yong meeting kaya naman ay lumabas ako agad.
Napatigil ako saglit nang makita ko si Dominic at ‘yong mga ka-team niya na naglalakad na palabas ng gate . . . mukhang break sa training. Napatingin din siya sa ‘kin pabalik pero ngumiti lang siya bago umiwas ng tingin. Ang galing.
Mukhang napansin naman ‘yon ni Alex na nas harapan ko na pala kaya napalingon din siya.
“Ba’t ka nakatingin kay Dominic?”
“Ha?” patay-malisya kong sabi bago mahinang natawa.
“Crush mo si Dominic, ‘no? Hoy, gaga. Taasan mo naman standards mo.”
Gusto ko na magpalamon sa lupa dahil sa sinabi niya. Mas lalo tuloy akong natakot aminin sa kaniya na boyfriend ko si Dominic!
“Bakit? Ang judgmental naman nito, haha.” Nagsimula na kami maglakad palabas ng gate. Hawak-hawak niya ‘yong strap ng bag niya habang ako ay may hawak na paper bag kung nasaan ‘yong shirt na susuotin namin next week.
“Hello? ‘Di mo ba kilala si Dominic? Isa siyang playboy . . . halos lahat ng babae pinapatulan. Porket isa siyang sikat at feeling pogi, feeling niya lahat ng babae, crush siya. ‘Di na nga mabilang ex niyan, e. Mukha pang walang matinong plano sa buhay. Mukhang umaasa na lang sa basketball para makapasa.”
Grabe naman.
“Ay, ganun ba si Dominic?”
Weird siyang napatingin sa ‘kin kaya natawa ako.
“Okay ka lang ba, Meeca? Dapat nga ay mas kilala mo siya kesa sa ‘kin kasi mas matagal mo na siyang schoolmate. Crush mo siguro talaga siya, ‘no?!”
Hindi ako kaagad nakapagsalita. Hindi niya kasi alam na matagal ko na ‘yong crush, e. Transferee siya ngayong Grade 11 kaya ngayon lang din kami naging ganito ka-close kahit childhood friend lang naman kami.
“Hindi, ah!” Boyfriend ko na kasi siya. O at least, hindi ako nakapagsinungaling sa kaniya. “Tigilan mo nga ako. Wala akong crush, ‘no.”
“Gusto mo bigyan kita?”
Umiling lang ako. Pagkatapos ay kinulit niya pa rin ako nang kinulit hanggang sa mabwisit ako habang siya ay tawa nang tawa.
From: Doms
Sorry, busy sa training. Nakauwi ka na?Napabuntong hininga ako. Sorry . . . sorry na naman. Walang katapusang sorry. Minsan nakakasawa na rin, mukha ngang ang toxic na, e. Pero hindi ko naman siya kayang iwan.
BINABASA MO ANG
Her Fondness In Time (COMPLETED)
Teen FictionMeeca Vanja's been doubting her boyfriend, Dominic, lately because of his actions. Nanlalamig na, ika nga. She's been trying to figure out what she did to anger him as a result of his changes but she can't come up with anything. At dahil na rin sa h...