#HFIT02
Nagsimula na 'yong pag-prepare namin para sa Intrams kaya 'di na kami nagkikita ni Dominic . . . 3 days na rin since 3 days na rin nung nagsimula ako maging busy.
Nag-s-stay kami sa SSG office after class para gumawa ng designs since kulang kami sa budget at hindi naman makabili na lang ng mga pwedeng i-design. Ang laki pa naman ng school kaya madami-dami talaga kelangan naming gawin!
Kung bakit ba kasi kulang-kulang ang SSG officers at MAPEH Club ng mga sponsors.
Naramdaman kong nag-vibrate phone ko kaya chineck ko muna kung sino 'yong nag-chat. Ni-reply-an ko agad 'yon nang makita ko pangalan ni Dominic.
Nakauwi ka na?
Ni-reply-an ko siya ng hindi pa bago bumalik sa paggawa ng flowers na gawa sa crepe papers. Tumabi naman sa 'kin si Annalise para tumulong.
"Ang bilis mo naman gumawa niyan, Meeca! Nagmamadali ka ba?"
Natawa ako sa sinabi niya bago inabot sa kaniya 'yong ibang crepe papers.
"Hindi naman. Mabilis lang talaga siguro kamay ko. Guntingin mo nalang 'yan tapos itali mo 'yong sa gitna. Ako na bahala nung iba."
Natahimik kami parehas nang dumating si Pres. na may dalang maraming kartolina. Inabot niya naman 'yon sa isang MAPEH Club member na nag-d-drawing.
"Ano i-d-drawing dito, Pres.?"
"Kahit anong athletes sa kahit anong sports. Ikaw bahala basta kada isang kartolina, isang athlete."
"Noted."
"Good." Lumingon siya sa 'min bago kumaway. Ngumiti lang ako dahil doon. "Tapos na 'yong mga flowers, Meeca?"
"Meron pa pong tatlong crepe papers dito, Pres. Mabilis na lang po ito."
"Okay, okay. Lilian! Lagay mo na 'yong mga ginawang flowers nila Meeca doon sa box na 'yon. Tulungan ko muna 'yong ibang MAPEH Club members dito para makauwi na tayong lahat."
Tinuloy nalang ulit namin ni Annalise 'yong mga crepe flowers habang dinadaldal niya ako. Kinukwento niya sa 'kin kung sino 'yong mga nasa iba't ibang team sa basketball kahit alam ko naman na since nabanggit na sa 'kin ni Dominic.
"Ka-team pala ni Dominic sina John Paul! 'Di ba, close kayo ni Dominic?! Baka naman! Ehe."
Umingos ako sa sinabi niya. "'Di kita marereto kay John Paul. Tsaka nakakahiya magsabi kay Dominic."
"Banggitin mo lang kunwari na crush ko si John Paul tapos sabihin mo na nadulas ka lang." Tumawa pa siya. Umiling ako sa kabaliwang naiisip niya.
"Umamin ka na lang kaya nang diretso?"
"Ayoko, Meeca! Gusto ko 'yong may thrill. Gusto ko siya mismo mag-f-first move sa 'kin tapos pag-reply ko, kunwari wala akong alam na nangyari."
Ngumiti pa siya na parang kinikilig. Gusto kong patagong i-judge si Annalise pero naalala ko . . . ganun din pala ako mangarap dati.
"Mamaya na 'yan, Annalise. Daming gagawin o!" Lumingon kami agad ni Annalise sa pinanggagalingan ng boses. Parehas naming nakita na nakangisi lang si Paul Jake, isang TVL Representative, habang nakatingin sa 'min.
"Pakialam mo ba, Paul Jake?!"
"Paul lang din naman ako, o? Ako na lang kasi."
Natawa ako nang magsimula silang mag-asaran pero napatigil din agad nang makita kong pumasok si Dominic sa SSG office kasunod nung isang volleyball player.
Nagtama agad 'yong mga tingin namin kaya napangiti siya. Ngumiti ako pabalik pero umiwas din agad ng tingin dahil sa hiya.
"Bawal dito 'pag 'di officer. Labas, Velasco!" Tumayo pa si Pres. bago lumapit kina Dominic.
BINABASA MO ANG
Her Fondness In Time (COMPLETED)
Teen FictionMeeca Vanja's been doubting her boyfriend, Dominic, lately because of his actions. Nanlalamig na, ika nga. She's been trying to figure out what she did to anger him as a result of his changes but she can't come up with anything. At dahil na rin sa h...