Trigger Warning: Sensitive Language and Commit Suicide scene
Chapter 2
Jenna POV
Nakaupo lang ako dito sa aking kama at naka tulala ilang minuto rin ay napag pasyahan ko nang lumabas ng kwarto ko.
Tahimik lang akong tumungo sa kusina at nadatnan ko silang kumakain na di man lang ako inaya.
"Naandiyan na pala sya ehh" iritang sambit ni Ate Joan sa kanila nakayuko akong umupo sa upuan "hala sige Kain" maotridad na sambit ni mom sa amin kaya kumain na kami.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin kaming kumain nag sitayuan na sila kaya tumayo na rin ako pero hindi pa ako nakakatayo ay may sinabi sa akin si mom na para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
"Ikaw ang mag hugas ng plato mamaya ka nang pumasok sa cheap mong cafe shop" sambit ni mom kahit ayaw ko ay sinunod ko nalang kahit labag man sa aking loob.
Nakayuko kong nililigpit ang aming pinag kainan kahit medyo inaantok pa ako, "Tita tulungan na kita" napalingon ako at nakita ko yung pamangkin ko.
"Wag na Gion may pasok ka pa" sambit nya sa akin, "Gion hayaan mo nga yang tita mo diba may pasok ka pa? Hala sige gumayak ka na" sita ni Kuya Jeon sa kanya malungkot namang tumaas si Gion.
"At ikaw naman mag simula ka na dyan" sambit sa akin ni Kuya Jeon kaya inituloy ko na ulit yung aking ginagawa.
Habang nag huhugas ako ng pinggan ay bigla kong nahulog yung baso dahilan upang mapapunta sa akin ang tingin nina mom.
"Ang bobo bobo mo talagang babae ka simpleng pag huhugas hindi mo pa magawa ng maayos" bulyaw sa akin ni mom at tinulak tulak pa ako dahilan upang mahawakan ko ang Isang pirasong basag na baso.
Napadaing naman ako dahil sa sakit kumaripas naman ng takbo sina Ate Aye, Ate Joan at Kuya Jeon sa kusina nakita nilang may sugat ako sa may daliri.
Dalidali namang pumunta sa akin si Ate Aye napatingin naman ako kayna Ate Joan at Kuya Jeon may nakita akong galit at awa sa kanilang mga maya hindi ko ba alam kung guni guni ko lang ba yun o hindi.
"Hali ka jenny gagamutin ko ang iyong sugar" sambit ni Ate Aye sa akin kaya naman napatango ako sa kanya tumingin muna ako kay mom may nakita akong Isang emosyon hindi ko matukoy tukoy kung ano yun.
"Bakit ka kasi hindi nag iingat Jen" mahinahon na sambit sa akin ni Ate Ayen habang ginagamot nya ang aking sugat sa aking daliri.
Napayuko ako dahil sa hiya ewan ko ba kung bakit ko nararamdaman ito kahit wala naman akong ginagawang kahiyahiya.
"Buti hindi malaki yung sugat kung hindi ewan ko nalang sa'yo" mahinahon na may kasamang inis na sambit nya sa akin.
Ilang minuto rin nung ginamit nya yung aking sugat kahit papaano naman ay umokay na rin hindi na sya sumasakit kapag ginagalaw ko.
"Ako na ang mag tutuloy ng ginagawa mo pumasok ka na sa school mo" sambit nya sa akin tumango naman ako sa kanya.
"Thank po ate Aye" sambit ko sa kanya ngumiti lang sya sa akin at tumango sa akin.
Gumayak na ako medyo masakit pa pero keri ko pa naman habang gumagayak ako ay may biglang pumasok sa aking kwarto.
"Oh? Bakit naandito ka?" tanong ko kay Gion "ehh kasi tita naikwento ni mommy yung nangyari sa'yo kanina sa may kusina" malungkot na sagot sa akin ni Gion.
"Oh? Bakit ka naman malungkot?" tanong ko sa kanya "ehh kasalanan ko kasi ehh kung tinulungan kita lang tita baka hindi ka masugatan" nakayuko nyang sagot nya sa akin napatawa naman ako ng mahina.
BINABASA MO ANG
Who Series 1: When Her Heart Melts
RomanceWho Series 1: When Her Heart Melts (also known as That Someone) Completed Short Story Jenna will suffer from Alzheimer disease, where she will forgot all the people she love. Yet she still didn't know that, before that she wanted to find out how did...