Chapter 13
Jenna POV
Takbo lang ako ng takbo. Di alam kung saan papatungo. Walang iniisip ang aking utak kundi ang katotohanan. Ang puso kong pagod na pagod na.
I don't know now. Hindi ko na alam.
Gabi na, madilim na ang mga paligid di alam kung nasaan na ako. Hindi ko na manaig ang liwanag.
Gusto ko mang sumuko ngayon pero di pa ngayon. May kailangan pa akong tapusin.
Di ko namalayan na nasa terminal na pala ako. Tingin lang ako ng tingin sa paligid.
Pumunta na ako sa may counter upang kumuha ng ticket. "Angyari sa Inyo mam?" tanong sa akin nung babae pero di ko ito pinansin.
"I need tickets" i just said. She just nodded at me but I still can see in her eyes that she was worried at me.
Nasa barko na ako, binigyan ako ng towel ng mga nag tatrabaho rito. Tahimik lang ako. I felt nothing but to think what's the truth.
Mababaliw na ako sa kagustuhan kong malaman ang totoo. Ano na bang nangyayari sa akin. Dahil sa pagod na aking nadarama ay nakatulog na ako.
Nagising ako dahil sa tapik na nararamdaman sa aking pisnge. "Mam. Gising na ho, naandito na ho tayo sa calapan" he said. Napatingin naman ako at ganun nalang ang gulat ko na malapit nang sumapit ang araw.
Napatingin ako sa orasan at 4:30 AM na pala. Dali dali akong bumaba at tumungo sa may kalsada para pumura ng sasakyan.
Buti nalang ay nakasakay na agad ako kahit medyo maaga pa. "Saan po tayo mam?" tanong nito sa akin. "Sa White House po sa may Sabang" sagot ko rito.
"Mam malayo po yuun" sambit nito sa akin. "Don't worry Kuya, babayaran kita ng malaki " I said, he doesn't have choice but to drive me to White House.
Wala eh. Desperada na ako na malaman ang totoo. Ayaw kong sayangin ang natitirang kong araw sa Walang kwenta na bagay.
Nakatulog na naman ulit ako sa byahe dahil sa pagod.
Makalipas ang Ilang oras ay ginising na ako ni Kuya dahil daw malapit na kami.Kinusot ko ang aking mata at napatingin sa window, at may sikat na ng araw. Napatigil ako sa relo ko at 9 AM na ng umaga.
At Maya-maya ay tumigil na ang kotse sa tapat ng malaking bahay. Binayaran ko siya ng 500 pesos. Alam kong malaki yuun para Dito pero wala na akong magagawa.
Dahan dahan akong tumungo sa loob ng bahay nila, upang di nila malaman na naandito ako. Maya-maya ay may narinig akong mga yabag kaya nag tago na agad ako sa pwede kong pag taguan.
"So? Ano nang balita kay Jenna?" tanong nung lalaki sa kausap niya. May kaboses siya, parang narinig ko na yung boses na yuun.
Isipin mo kung sino yun.
At doon ko nabosesan, Isa sa dalawang nag baon sa lupa ng mga katotohanan. At paano niya ako nakilala? E hindi ko naman siya naabutan noong araw na umalis ako ah.
"Naglayas siya" sagot nung kausap niya sa kanya. Wait? Kuya Jeon? Paanong--- so tama nga ako na may alam si Kuya Jeon. Hindi lang niya sinasabi.
"What?!" galit na sambit nito kay Kuya Jeon. Bakit ganun siya magalit? Kaano ano ko ba siya para magalit siya sa akin?
"Calm down Silverest" Kuya Jeon said. So ito pala si Silverest. Sumilip ako ng mahagya para makita ang mukha niya.
At masasabi kong gwapo siya katulad nina Heidax and Heldiago. Maya-maya ay napatingin siya sa may direction ko kaya naman dali dali akong umalis room pero dahan dahan parin.
BINABASA MO ANG
Who Series 1: When Her Heart Melts
Любовные романыWho Series 1: When Her Heart Melts (also known as That Someone) Completed Short Story Jenna will suffer from Alzheimer disease, where she will forgot all the people she love. Yet she still didn't know that, before that she wanted to find out how did...