Wala na ang dating pagtingin
Sawa na ba sa 'king lambing
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla nalang nang-iwan
'di na alam ang gagawin
Upang ika'y magbalik sa 'kin
Ginawa ko naman ang lahat
Bakit bigla nalang naghanap
Ewan ko kung ba, bakit pero sa tuwing pinapakinggan ko itong kantang 'to ang sakit sakit. Parang kahapon lang.
"Isang taon na naman ang lumipas pero hanggang ngayon wala ka pa"
Hindi magbabago
Pagmamahal sa iyo
Sana'y pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito
Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot
Pag-ibig 'di magbabago
Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos
Pag-ibig di matatapos
Ewan ko na naman ba kung bakit pa kita hinihintay. Pwede ko namang ipagsawalang bahala na lang 'yung sulat mo.
"Ehhh, kasi naman-"
"ANAK!! Baba na kakain na!" sigaw ni mama.
Kahit kaylan talaga panira ng moment si mama. Hmp. Andun na e. Tutulo na yung luha ko. Konti na lang eh.
"OPO! Andyan na po." pabalik kong tugon.
Pinatay ko na yung music at bumangon na rin sa kama ko. Buti na nga lang may sarili akong kwarto kahit mahirap lang kami.
Pagkalabas ko ng kwarto tinulungan ko maghanda si mama ng pagkain. Tatawagin ko na sana ang aking kapatid ng bigla itong sumulpot sa hapag kainan.
"Wow himala di ka na nagpatawag ate? Haha" natatawa kong tanong.
Paano ba naman kasi pagdating galing trabaho nyan diretso agad sa kwarto nya. Long distance relationship kasi sila ng bf nya at tuwing gabi lang sila nag-uusap.
"Kasi yung lalaking yun di man lang nagpaparamdam. Hmp!" naiinis nyang sagot.
"Bakit multo ba yun at kaylangan nyang magparamdam?" tanong ko habang kumukuha ng kain.
"Che! Pilosopo ka talaga kahit kaylan" sagot nya sabay irap sakin.
Haha! Asar talaga kahit kaylan.
"OH tama na yan baka magkapikunan kayo." Pang-aawat ni mama samin.
BINABASA MO ANG
The Promise
Romance"PROMISE IS A BIG WORD. IT EITHER MAKES SOMETHING, OR IT BREAKS EVERYTHING" I hope it makes something..