Papunta na ako sa restaurant kung saan kakausapin ko siya. Kakausapin ko ang lalaking nangiwan samin non. Ang lalaking pinabayaan kami non. Lalaking mas ginustong makisama sa kabit niya kesa samin na pamilya niya.
Nagpasama ako kay Troy. Sa mga kaibigan ko sanang sina Jess at Kath ngunit busy sila sa mga date nilang dalawa kaya hindi ko na pinilit. Sakto namang nagtext kaninang umaga si Troy kaya nagpasama ko.
Nandito na kami sa restaurant, bumaba na si Troy ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan nito. Ngumiti naman ako sakanya bilang pasasalamat.
Kinakabahan ako, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, inis, galit, sakit,pero at the same time excited at Masaya dahil makikita ko na siya. After niya kaming iwan. Una namang pumasok sa restaurant si Troy, sumunod naman ako sa kanya.
"Any reservation Sir? Ma'am?" tanong ng waiter samin.
"Hmm..kay Mr. Carlo Bautista." Sagot ko naman.
"Ah Mr. Bautista" itinuro niya naman samin ang lugar kong saan naroroon ang isang taong gustong kumausap sakin. Nakatalikod ito samin kaya hindi ko pa nakikita ng mukha niya.
Ngumiti din ako sa waiter na nagpaalam na after niya kaming ihatid sa reservation. Nasa likod ko naman si Troy na, nakangiti sakin. Sa kanya lang ako kumukuha ng lakas ngayon. Sana hindi ako humagulhol dito sa restaurant.
Tumikhim ako kaya nakuha ko ang atensyon niya na may kausap pala sa phone. Humarap ito samin.
"Dad?" takang tanong ni Troy.
What? Dad? Anong ibig niyang sabihin dun? Kilala niya ang Papa ko?
"Troy. Please leave us alone. May pag-uusapan lang kami" humarap naman ako kay Troy na nakakunot ang noo.
Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit naman tatawagin ni Troy na Dad ang Papa ko? Magkakilala nab a sila noon? Nagkita na ba sila noon? Pero bakit Dad ang tawag niya? Hindi kaya? Hindi kaya? NO! This can't be.
Ang sabi ni Mama at ate kaya daw umalis si Papa dahil sa ibang babae niya tapos ngayon tatawagin ni Troy na Dad ang Papa ko. Hindi kaya? Oh NO! Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko ngayon parang gusto ng tumulo ng luha ko ngunit kayalangan kong pigilan. Wag muna. Kaylangan ko ng kumpirmasyon.
Aangal pa sana si Troy ngunit sa huli umalis na lang ito muna. Humarap naman ako sa kanya. Ininuro niya ang tapat na upuan nito na ang gusto niyang ipakahulugan ay dun ako uupo. Sinunod ko naman siya. Hindi pa rin ako kumikibo.
Nakaupo na kaming dalawa ngayon. Umorder naman siya ng pagkain, wala ako sa mood kaya kahit ano na lang ang itinuro ko.
"So, kamusta ka na..anak?" tanong niya. Napatigil naman ako sa pagkain. At tumingin sa kanya. Ngayon ko lang pala napansin na kanina pa siya nakatingin sakin.
"As you can see, okay naman po ako" sagot ko naman. Kaylangan kong maging cold sa kanya. Kaylangan niyang malaman na galit ako sa kanya, sa ginawa niyang pang-iiwan samin, sa pagsama niya sa ibang babae.
Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya. Mas naging mature ito kesa noon, siguro dala na rin ng panahon. Naka-long sleeve na siya ngayon at naka-neck tie, halata mong galling ito sa trabaho. Siguro mayaman na siya ngayon no? Pero bakit hindi niya kami binalikan? Bakit niya kami pinabayaan? Masaya siguro siya sa pagiging isang mayaman. Walang inaalalang pamilya.
Pakiramdam ko parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon. Parang hindi na siya yung msayahing Papa ko noon. Yung laging nakikipaglaro sakin non, yung laging nakikipagtawanan. Tingin ko lahat ng iyon, nakaraan na. Kaya kahit kaylan hindi na maibabalik.
"I'm sorry." Mahina ngunit puno ng emosyon niyang sabi. Hindi naman ako sumagot sa sinabi niya. Hinintay ko munang magpaliwanag siya.
"Hindi ko namang ginustong iwan kayo ng mama mo anak. May nangyari kaya –"
"Kaya iniwan niyo kami? Ganun ba?" hindi ko napigilang sumabat sa kanya.
"Pinagbantaan ang buhay ko, okay lang sana kung ako lang pero kasali kayo ng mama at ate mo. Ayaw ko namang masali kayo sa gulo ko kaya iniwan ko kayo." Paliwanag niya. Nakatitig lang ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko
"Bakit?"
"Bakit nila pagbabantaan ang buhay mo?" tanong ko.
Hindi naman siguro nila pagbabantaan si Papa ng walang dahilan di ba? Malaki siguro ang naging kasalanan ng Papa kaya pati kami kasali?
"Kasi..kasi.." hindi niya masabi sabi ang dahilan. Hindi rin siya makatingin ng deretso sakin. Bumibigat na ang paghinga ko.
"Sabihin mo na lang ang totoo" mahina ngunit puno ng galit kong sabi. Wala na rin akong ganang kumain.
"May nangyari samin ng asawa niya, may relasyon kami" napasinghap ako sa narinig ko. Nagugulahan man ako pero alam kong mali ito. Mali itong lahat.
"Kaya pinagbataan niya ako, ang buhay ko. Ang sabi niya kapag hindi ko daw lalayuan ng asawa niya papatayin niya ko. Kaya nilayuan ko na siya, sila. Ngunit hindi siya nakuntento pati kayo pinagbantaan niya kaya wala akong nagawa kundi ang layuan kayo, anak. Masakit man sakin ngunit kaylangan kung gawin iyon."
"Pvtang ina!" sigaw ko. Hindi ko na kayang tiisin pa. Ang sakit sakit marinig na nakiapid si Papa sa ibang tao. Pinagtaksilan niya si Mama. Kala ko pa naman siya ang responsible niya bilang ama. Pero hindi. At dinamay niya pa kami.
"Maniwala ka anak. Binalikan ko kayo—"
"Tama na!! Sinira mo na lahat! Lahat! Tama nga si ate sana hindi ka na bumalik pa!" Napatayo na ko sa upuan.
"Anak hindi ko ginusto ang nangyari—"
"Hindi ginusto? Nagpapatawa ka ba ha?! Sana inisip mo yan bago ka nakipagkalantaryo sa babaeng may asawa na! Sana inisip mo ang kalagayan namin! Sana inisip mo si Mama, kami! Pero hindi eh. Inisip mo lang yang kaligayahan mo!"
"Chloe" napatingin naman ako kay Troy na ngayon ay nasa harapan ko na. Hindi ko napigilang umiyak.
Humarap nama siya kay Papa. Na ngayon ay nakatayo na rin. Hindi ko napansin na pati siya naluha na rin sa usapan namin.
"Stop this" mariing sabi ni Troy.
Ano pa lang ugnayan nila? Kanina tinawag ni Troy si Papa na dad? Anong meron sa kanila? Magkakilala nab a sila noon ba? Since na rito na rin naman kami naglakas loob na kong tanungin.
Pinunasan ko ang mga luha na kanina pa dumadaloy. Napatingin naman ako sa mga customer ng restaurant na ngayon at samin na nakatingin.
"Ba-bakit kayo magkakilala?" tanong ko sa kanilang dalawa. Nagaalangan naman si Troy na sagutin. Pero kaylangan kong malaman. Malaman ang namamagitan sa kanila.
"Kapatid mo siya anak" Nagulat ako sa narinig ko.
Kapatid? Bullshit! Hindi maaari ito! So may nabuo pala sa kanila ng kabit niya! Mga walang hiya/
"Ang kapal ng mukha mong humarap pa at magpakita samin!" Sinugod ko namang magaling kong ama. "Kelan mo ba kami titigilan ha!" pinipigilan niya ko, pero hindi parin ako nagpapaawat.
"Chloe tama na!" Sigaw ni Troy sakin.
Humarap naman ako sa kanya.
"Alam mo ba la-lahat ng ito?" Hindi ko na rin napigilan talaga ang maiyak.
Hindi siya sumagot bagkus ay yumuko lamang ito. Pvta! Ginawa nila kaming tanga! Kami nila mama, ate! Edi sana hindi na lang siya nagpakita samin kung ganito lang din lahat. Hindi ko siya mapapatawad sa nangyari. Hinding hindi.
"Mga hayop kayo!" sigaw ko sa kanilang dalawa.
Kinuha ko naman ang bag ko at tuluyan ng umalis.
BINABASA MO ANG
The Promise
Romance"PROMISE IS A BIG WORD. IT EITHER MAKES SOMETHING, OR IT BREAKS EVERYTHING" I hope it makes something..