"Sandali lang po kuya yung wallet ko po! Nahulog!" sigaw ko sa bangkero. Importante ang nandoon, syenpre yung kwintas ko. Kababalik lang nga sakin nun tapos mawawala pa. Pano yan?
"Pasensya na miss pe—"
"Pero nanduon po yung kwintas ko!! Kelangan po nating bu—" Hinawakan naman ni James ang balikat ko at pinaupo niya ko. Hindi ko namalayang napatayo ako dahil dun.
"Pasensya na po kayo sa kasama ko—" pinutol ko naman agad siya. Wala akong pakialam kahit pinagtitingnan na kami ng ibang pasahero basta maibalik lang sakin yung wallet ko. Pati yung ibang ipon ko nandoon.
"Hindi mo ba ako naririnig? Yug kwintas ko nandun!!" sigaw ko naman sa kanya. Hawak niya parin ang balikat ko. At pinipigilan niya akong tumayo.
"ako ng bahala dun, babayaran ko na iyon" bigla naman ako nakaramdam ng galit. Ano? Babayaran niya? Ang Kapal talaga!
"Wag kang gumawa ng eksena dito" bulong niya pa sakin. Wala na kong nagawa kundi tumahimik. Tuloy tuloy naman ang bangkang sinasakyan namin.
Wala pang ilang minute na karating na kami sa isla kung saan kami tutuloy ng ilang gabi. bumaba na agad ako, at dinala ang bagahe ko kahit mabigat binuhat ko parin ito. Tinangka niya namang kunin ito ngunit hinila ko ito agad at umalis na.
Pagkababa ko sa bangka, kumukulo ang dugo ko ng dahil sa nangyari. Ang sakit sakit lang sa loob ko. Babayaran niya? Yung wallet ko? Yung kwintas ko? Pero hindi iyon matutumbasan ng kahit na ano.
"Ano bang problema mo ha?!" singhal ko sa kanya. Wala na talaga akong pakialam kahit gumagawa kami ng eksena dito.
"Ikaw anong problema mo?" balik niyang tanong sakin.
Binitawan ko ang bagahe ko at hinarap ko siya.
"Ako?! Anong problema ko?!" sabay turo ko sa sarili ko.
"Tinatanong mo ako?!!" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.
"Nang dahil sa iyo HINDI KO NABALIKAN ANG WALLET KO! Ngayon sagutin mo ko, pano ko hahanapin ngayon 'yon?!! Ha! Sabihin mo pano!! Sa sobrang pakilamero mo nawala sakin ang wallet ko!" sigaw ko sa kanya.
Napaawang naman ang bibig niya dahil sa sigaw ko.
"Di ba sabi ko sayo babayaran ko 'yon diba?, akong nang bahala" tumataas na rin ang boses niya, hudyat na naiinis na rin siya.
"Babayaraan?! TANGINA mo pala eh!.." sarcastic kong sabi, nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Yan ang mahirap sa inyong mayayaman eh! Tingin niyo nakukuha lahat sa pera!Napapasunod niyo lahat, gamit ang pera. Oo! Sabihin na nating pwedeng maibalik mo yung ibang laman ng wallet ko! Pero hindi yung kwintas ko! Importante sakin iyon. Hindi kayang tumbasan ng ilang milyones mo! ang kwintas kong iyon. Hinding hindi!" Hindi ko namalayang bumuhos na pala ang luha ko.
Tumalikod na ko sa kanya, na ngayon ay nakatitig pa rin sakin. Binuhat ko na ulit ang bagahe ko at dumeretso sa hotel na tutuluyan ko, pero bago pa ko tuluyang makaalis, tumigil ako sandali at sinabing
"Tandaan mo hindi lahat ng bagay dito sa mundo, ay nadadaan sa pera."
At nagpatuloy na kong lumakad paalis.
--
Hindi ko namalayang nakatulog nap ala ako kakaiyak. Hindi pa ko lumalabas simula ng mangyari ang eksena namin kanina. Napaupo ako sa kama na hinihigaan ko. Lutang parin ako. Hindi parin ma-process ng utak ko na nawala na naman ang kwintas ko. Kakabalik lang sakin 'nun tapos nawala na naman at ang worst sa dagat pa nawala.
BINABASA MO ANG
The Promise
Romance"PROMISE IS A BIG WORD. IT EITHER MAKES SOMETHING, OR IT BREAKS EVERYTHING" I hope it makes something..