This story is not edited so sorry for the errors due to typing and grammars. :)
I hope you like it. :) Comment. Vote.
xxjgrande1997xx
CHLOE POV
"Hey, anong ginagawa mo dito?" umupo sa tabi ko si Troy. Natapos naman ng masaya ang mga laro nila kanila. Pagkatapos nilang maglaro ng Tug of War, naglaro sila ng Volleyball at nagsurfing.
"Nagpapahangin.." nakatanaw ako sa mga bituin, ang ganda nilang tingnan. Habang pinagmamasdan ko sila, bumabalik 'yung mga ala-alang importante sakin. Sa dalampasigan....sa dagat...tuwing gabi habang pinagmamasdan ang mga bituin kahit di niya nakikita...naaalala ko siya.
"Nag-enjoy ka ba?" tumingin siya sakin. Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa mga bituin.
"Oo naman, sobra" ngumiti ako para malaman niyang okay lang ako.
"Don't fake it" napatingin naman ako sa kanya. Pero ngayon nakaharap siya sa dagat. Hinihintay ko pa ang susunod niya sasabihin. Lumingon naman siya sakin, "You can tell me, I'm always here" ngumiti siya sakin.
Humarap naman ako sa dagat, kaya ko bang i-share sa kanya? Pwedeng oo, pwedeng hindi. Ewan ko ba.
"Sometimes we simply need someone who will be there for us...someone who will sit there and listen..someone who is genuinely concern." Napalingon ako sakanya dahil sa sinabi niya, hindi ko napigilang tumulo ng luha ko.
"Kasi naman eh, nangako siyang babalik siya, pero after how many years, wala pa rin siya"
"Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon, pwede nating panghawakan ang pangakong sinabi nila..." lumingon siya sakin, "kasi kadalasan hindi naman natutupad ang pangakong ito, Promises are meant to be broken ika nga ng iba" tahimik lang akong naka-yuko habang patuloy pa ring tumutulo ng mga luha ko.
"How can you step forward if you still looking at your past.." inakbayan niya ko "Keep moving Chloe, kung dumating siya, edi Masaya, kung hindi edi hindi. Wag mong hahayaang mamuhay ka sa nakaraan" tumango naman ako bilang tugon.
Siguro nga, kaylangan ko na siyang kalimutan. Masaya na siguro siya ngayon kung saan siya naroroon. Tumingin ako sa dagat, 'siguro nga kaylangan na kitang palayain para mapalaya ko na rin ang sarili ko, pero ito tatandaan mo Jam, ikaw parin ang No. 1 Bestfriend ko!' ngumiti ako at pinunasan ang luha ko.
Lumingon naman ako kay Troy na nakatingin pala sakin. Ngumiti ako sa kanya "Thank You" at niyakap ko siya ng mahigpit. Agad naman siyang kumalas sa yakapan namin.
"Chloe ano kasi....kasi.." Napalingon naman ako sa kanya na hindi makatingin sakin. "Kasi ano.." kinamot niya naman ang batok niya. Ang cute niya. Napangiti naman ako sa simpleng ginawa niya.
"Ano?" nakangiti ko pang tanong.
"I—I want you to know that I like you" Nakayuko niyang sabi
Whhaaat?? Gusto niya ako? Wait..processsing...processing..complete. As in?! speechless ako sa sinabi niya, pano ba naman kasi katatapos lang ko lang naman kasing pinakawalan 'yung isa, nag-confess agad siya.
"Okay lang naman, I can wait" tugon niya pa. Seriously? I can't believe it!
"Tro—troy" I lose my words. 'yan tuloy napapa-english ako. Nak ng! Crush ako ng crush ko! Eto na 'yun oh!
"Tara na sa kanila" napalingon naman agad ko sa kanya, at tumango. Tinulungan niya naman ako tumayo, wow Gentleman! Pumunta na kami sa mga kasamahan naming nagbo-bonfire. Papalapit na kami ng marinig naming ang mga tawanan nila at kantahan.
--
"Okay. That's it! See you again tomorrow" anunsyo ng aming trainer. Andito ako ngayon sa loob ng Music Room. Balik eskwela na naman after nung get together namin sa Hundred Island. Naging maayos at Masaya naman ang naging huling araw namin dun. Naglaro pa sila kinaumagahan nun at pakasapit ng hapon naglibot kami para makapamili ng mga souvenir. After nun umuwi na kami. Nagulat nga ako ng dalawa nalang kami ni Troy sa sasakyan. Si Jess kay Kyle sumakay dahil inaya daw niya [kyle] ito, si Kath naman kahit gustong sumama samin eh pinigilan ni Allen? Allen ba 'yun? di ako sure, dahilan daw ni Allen di pa daw siya okay [pilay niya] kaya siya na daw maghahatid, no choice naman daw si Kath pero alam ko deep inside gusto niya rin pa deny deny pa.
"Di ka pa aalis?" Napabalik ako sa realidad ng tanungin ako ng isa sa mga kasamahan ko sa choir.
Ngumiti ako sa kanya, "Sige, susunod na ko, aayusin ko lang gamit ko"
Ngumit naman siya pabalik sakin, "sige mauna na ko" at umalis na nga siya kasabay ng mga ibang choir members. Una namang umalis kanina an gaming Trainer kaya mag-isa ko nalang dito sa loob. Naayos ko naman na ang mga gamit ko sa bag. Umupo muna ako. Wala naman akong klase ngayon eh, kung uuwi ako wala ding tao sa bahay.
Nauna na kasing umuwi si Kath kanina, si Jess naman may pasok pa. Si Troy? Ewan, nahihiya na kasi ako sa kanya, pagkatapos nung gabing nagconfess siya sakin. Pero I find it so romantic, para kasing samin lang 'yung mundo nung gabing 'yun, walang kontrabida, walang epal, wala lahat. Pagkahatid niya nga sakin kagabi, sinabi niyang susunduin niya na ko. Pero hindi naman ako naniwala kaya di na ko nag-expect, pero nagulat ako nung asa labas siya ng bahay namin pati nga si ate nakangiti sakin na animo'y nangaasar. Hinatid niya naman ako sa room naming at umalis na.
Tumayo naman ako, at naglakad lakad sa loob ng Music Room. Agad naman nakuha ng atensyon ko ang Piano. Wala naman sigurong magagalit kung tutugtog ako diba? Wala naman si Sir dito. At member naman ako sa choir kaya pwede siguro.
Lumapit ako sa piano, at binuksan ito. Ano kaya ang tutugtugin ko? Agad naman sumagi sa isipan ko ang kantang itunuro sakin ng ate ko, noong bata pa ko.
[Grow Old With You]
I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grown old with you
I'll get your medicine when your tummy aches
build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you
Pinikit ko ang mata ko, I just wanna feel the song. Lahat ng memories naman bago ko bitawan.
I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed if you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old --
*boogssh*
Napahinto ako sa pagkanta ng marinig ko iyon. Pintuan? Agad naman akong tumayo at sinarado ang piano. Hala?! Pano yan baka may nakakita sakin! O baka nakarinig! Isusumbong kaya nila ako? Hindi naman siguro, magpapaliwanag na lang ako. Tumakbo ako sa pintuan at lumabas baka kasi makita ko pa 'yung taong asa pintuan kanina. Pero bigo ako wala akong nakita.
'Hays. Ano ba naman yan'
Pumasok ako ulit sa Music Room at kinuha ang gamit ko. Sinarado ko na at ni-lock ang pintuan.
JAMES POV
Wala ako sa sarili ko papunta sa parking lot. Narinig ko 'yun. 'yung kantang 'yun. Napapikit ako sa tapat ng kotse ko. Napasabunot ako sa buhok ko.
"Sh*t, sana mali ang nasa isip ko" frustrated kong sabi.
Yung kantang 'yun. Yung boses niya. 'yung way niya ng pagkanta. Di ako pwedeng magkamali.
Louie ..
A/N
Comment na dali! Haha!

BINABASA MO ANG
The Promise
Romansa"PROMISE IS A BIG WORD. IT EITHER MAKES SOMETHING, OR IT BREAKS EVERYTHING" I hope it makes something..