Chapter 30

42 3 0
                                    

"Hindi ko alam na ang gagawin Troy, pati ako gulong gulo na" kaharap ko ngayon si Troy. Nagtext siya sakin na makikipagkita daw siya kaya sumaglit muna ako dito.

Nandito kami sa isang ice cream parlor, dito niya ko dinala para daw lumamig yung ulo ko. Gabi na ngayon at konti na lang ang mga taong naririto.

Sa nangyari kanina may punto si Ate. Ang hirap ng dinanas namin, nung umalis kami noon sa tinitirhan naming malapit sa dagat, walang wala kami. Pero pursigido kaming makapagsimula ulit. Makabag-bagong buhay kaya kahit mahirap sinikap kong mag-aral ng mabuti para maahon ko sa hirap sila Mama.

Napatingin ako sa kapapasok pamilyang kapapasok pa lang sa ice cream parlor. Masaya sila, buo. Meron Mama, meron Anak, at syempre meron Papa. Mula nung iwan kami ni Papa, hindi ako nawalan ng pag-asang babalik siya. Na yayakapin niya ulit ako. Ngunit sa bawat taong nagdaan, nawawala na ang pag-asang iyon. Hindi ko nga baa lam ngunit tanggap ko na nasumama na siya sa kabit niya.

Ang sakit lang kasing isipin na, hindi niya man lang kami nadadalaw. Kahit man lang sana isa sa isang buwan. Okay na yun at least hindi niya kami nakakalimutan.

Bawat kaarawan ko noon ang tanging dasal ko lang sana bumalik siya.

'Papa Jesus, sana bumalik na po si Papa, sana po huwag na po siyang mawala samin. Ang hirap po kasing walang Papa. Wala pong nagtatanggol samin nila Mama at Ate. Tapos po lagi po akong inaasar ng mga kaklase ko na, bad daw ako kaya ako iniwan ni Papa. Di ba po hindi naman po di ba? Di ba po love po ako ni Papa? Pero kung love po ako ni Papa bakit niya po ako iniwan? Bakit niya po kami pinabayaan? Ngayon po na birthday ko po Papa Jesus, sana bumalik na siya, promise po magpapaka-good girl na po ako. Amen."

Ngunit nagdaan na rin ang ilang kaarawan ko ngunit wala pa rin siya. Wala pa rin yung taong lagi kong dasal dasal. Kaya mula noon tanggap ko na kung di na talaga siya darating.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Naramdaman kung lumapit sakin si Troy at niyakap niya ko. Ewan ko pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kaya niyakap ko na rin siya, at sa balikat niya ko umiyak.

"Shhhh, tama na 'yan, malalampasan mo rin yan" pang-aalo sakin ni Troy habang hinihigod ang likod ko.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak ngunit nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko.

"Kaya pala hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at text, kasi nakikipag-landian kasa taong yan" madiing tugon niya.

Napahindi ako sa pag-iyak ko, pinunasan ko ang mga aking mga luha. Humarap ako sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" nanliit ang mata kong nakatingin sa kanya.

Nagulat ako ng hilain niya ako palabas ng parlor.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!!" sigaw ko.

Nagpupumiglas ako, ngunit mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Naglalakad pa rin siya at hila hila niya ko. Ano ito kaylangan talaga lagi akong sumusunod sa kanya? Tumingin ako sa likuran naming ngunit nanlumo ako ng hindi na kasunod samin si Troy.

Inipon ko ang lakas ko at hinawi ang pagkahawak niya sa kamay ko. At nagtagumpay nga ako. Humarap siya sakin ng salubong ang kilay niya. Halatang galit ito sa nangyari.

"Ano bang problema mo ha?" bulyaw ko sa kanya. Wala na kong pakialam kung may iilang napapatingin na rin samin. Nasa tabi kami ng kalsada ngunit madalang lang ang mga dumadaang sasakyan dito.

" Ikaw!!" nagulat ako sa sinabi niya. Ako? "Text ako ng text sayo! Nag-aalala ako kung nakarating ka ng maayos sa inyo ngunit kahit isang reply wala kang natanggap. Tinawagan kita ng ilang beses pero hindi ka sumasagot sa tawag ko! Tapos ngayon makikita ko na lang na nakikipaglandian ka?! Wow ha!"

"Pasensya na kong hindi ako nakapag-reply sayo! At hindi ko na sago tang mga tawag mo sakin dahil may nangya—" galit kong sagot ngunit pinutol niya kaagad ako.

"Nangyari? Ang sabihin mo nakikipaglandian ka! Matapos sakin sa iba na naman? Wow hanep ha!"

Hindi na ko nakapagpigil at nasampal ko siya.

Landian? Ako nakikipaglandian kay Troy?

"Hindi mo alam kung ano ang nagyayari!! Nakita mo lang kaming nagyayakapan, naglalandian na kaagad?! Para sabihin ko sa iyo, hindi niya ako niyakap dahil lang sa gusto niya, niyakap niya ko dahil kaylangan ko ng karamay! Kaylangan ko ng may masasandalan! Kaylangan ko ng taong makikinig sakin, ng makakaintindi sakin."

Bumuhos ang ulan, pati ba naman ang ulan nakikisali na rin? Hindi ko na napigilang umiyak. Buti na nga lang umuulan ngayon at hindi niya nakikita ang mga luha ko.

"Alam mo ang problema sayo? Problema sayo kung anong nakikita mo, yun na ang pinaniniwalaan mo! hindi mo man lang inaalam ang buong pangyayari. Agad agad ka na lang mag-co-conclude, sana man lang inaalam mo yung sitwasyon"

Nakita ko kung pano magbago ang expression ng mukha niya. Kanina galit ito at hindi maipinta ngunit ngayon unti unti itong lumamlam.

Pareho na kaming basa sa ulan. Pero wala pa rin isa samin ang gustong umalis. Nakatitig pa rin ako sa kanya na salubong ang mga kilay.

Tumalikod na ko sa kanya at nagsimulang maglakad ng palayo. Hindi ko na kaya, pagod na ko sa araw na ito, gusto ko ng magpahinga muna.

Naramdaman ko namang may yumakap sakin patalikod.

"I'm sorry" bulong niya sakin. Ramdam ko na ang sinseredad sa boses niya.

And everything went black.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon