This story is not edited so sorry for the errors due to typing and grammars. :)
I hope you like it. :) Comment. Vote.
xxjgrande1997xx
"Jame- james..ano.. Kapre.." hindi ko masabi sabi ang gustong kong sabihin. Nanginginig ang kamay ko. Nilapitan niya si Alice at tinulungan itong tumayo. Bakit puro na lang si Alice ang kinakampihan niya? Pano naman ako? Ako tong na-a-agrabyado tapos siya ang kakampihan niya? UNFAIR!
"Ano?! Ano na namang kasinungalingan ang sasabihin mo Chloe?" galit na sabi niya.
Kasinungalingan?
So, sa lahat pala nang nangyayari hindi siya naniniwala sakin? So, tingin niya sakin ako pa itong nagsisinungaling? Naninira? Nagsisimula ng gulo?
"Kasinungalingan?... Ako?" itunuro ko ang sarili ko, grabe hindi ako makapaniwala. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Baka hindi ko mapigilang umiyak sa harapan nila. Kaylangan kong depensahan ang sarili ko kahit ngayon lang.
"Nakita kong tinulak mo si Alice?!" galit pa rin siya na denedepensahan si Alice. Napatingin ako sa kanya. 'Tinulak? Oo! Tinulak ko siya dahil pinatid niya ko at siya ang nauna! Hindi naman ako maguumpisa ng gulo kong hindi ako ang naagrabyado' sabi ko sa isip ko. Gusto kong isigaw sa kanya ang nasa isip ko.
"Ti-" napahinto ako sa aking sasabihin ng magsalita siya.
"Akala ko iba ka,... akala ko ang bait bait mo.... Akala ko hindi mo kayang manira ng kapwa mo..." hindi makapaniwalang sabi niya sakin. Nakatingin lang ako sa kanya. Marami na ring estudyanteng nakatingin sa amin na akala mo'y nanunuod sila ng soap opera.
"..pero hindi pala lahat ng akala ay totoo. Dahil maling mali pala ako. Maling mali . Itinuring kitang kaibigan pero ito lang pala ang mapapala ko sa iyo." Dugtong pa niya. Hindi ko na talaga kaya, pati mga luha ko naguunahan ng bumuhos.
Bakit ganun parang ako pa iyong masama dito. Ako pa iyong may kasalanan dito. Mali bang ipagtanggol ko 'yung sarili ko? Mali ba kahit isang beses unahin ko 'yung sarili ko. Bakit kasi hindi muna siya makinig sakin?
Hindi ko namalayang nakaalis na pala silang dalawa sa harapan ko. Hindi ko parin mapigilang bumuhos ang aking mga luha.
"Ayos ka lang ba?" rinig ko tanong ni Kapre kay Alice. Nasa tinig ni Kapre ang pag-alala. Ngayon isa lang ang sigurado...
Nasasaktan ako..
--
"Sis, tama na. Ano ba naman 'yan" pag-aalo sakin ni Kath. Nasa bahay kami nila kami ngayon, umalis kasi ang mga magulang niya. Right after nang umalis sila..alam niyo na (Kapre at Alice), dumating itong mga kaibigan ko kaya napagdesisyunan naming dito dumiretso.
"oo nga sis, siguro kapag naabutan namin 'yung confrontation niyo? Hay di kami papayag na ikaw ang naagrabyado" inis na sabi ni Jess. Habang hinihimas ang likuran ko.
"Bakit *sob* kasi hindi muna siya *sob* makinig sakin?" tanong ko. Umiiyak parin ako hanggang ngayon. Naiinis ako dahil parang ang dali lang sa kanyang husgahan ako.
"hindi niya *sob* naman *sob* nakita ang buong *sob* pangyayari *sob*, tapos kong makapang husga siya ganun, *sob* ang sakit sakit " dugtong ko.
"sis, tama na yan..OA na ang drama, tama na 'yung iniyakan mo siya kanina" sabi ni Kath na nasa tabi ko rin.
"Truelabels. Alam mo kung hindi lang kita kaibigan iisipin kong may gusto ka na sa James na 'yun" segunda naman ni Jess. Aba't pinatutulungan pa ko ng mga ito ha! May gusto? Ako? Kay kapre?
BINABASA MO ANG
The Promise
Любовные романы"PROMISE IS A BIG WORD. IT EITHER MAKES SOMETHING, OR IT BREAKS EVERYTHING" I hope it makes something..