"Tapos ka na dyan?" sigaw ni ate mula sa labas. Isang linggo na simula ng mangyari ang eksena sa coffee shop. Buti na lang at hindi na nanggugulo si Alice sakin. Hindi na nga ba? Ewan ko. Siguro dahil hindi niya ako ginugulo kasi bakasyon ngayon.
At salamat naman sa Diyos kasi pasado ko lahat ng subject ko this sem. Gayun din sila Jess at Kath. Sana nga pati sa susunod na semester kasi diba graduating na kami? Kaya dapawt mapasa naming ang lahat ng subject namin para maka-graduate kami.
"Oo, palabas na ko" mag-gro-grocery kami ngayon ni ate. Katatanggap lang kasi ng sahod niya. Hindi naman makakasama samin si Mama dahil may tuloy tuloy ang pasok niya bilang isang katulong nga.
Lumabas na ko sa kwarto ko, naka-t shirt lang ako na hapit na hapit sakin, jeans, at doll shoes.
"Tara na"
--
"Kamusta naman kayo ng Bf mo ate?" namimili na kami ng pagkain dito sa grocery pati mga gamit na gagamitin namin.
"Ayun, busy siya nitong nakaraang araw, ni hindi na nga kami naguusap eh" hila hila ko naman ang cart tapos is ate naman ang mamimili.
"Ganyan talaga kapag Long Distance Relationship"
"Ang hirap nga eh.." tugon ni ate habang kumukuha ng noodles.
"Para naman sa kinabukasan niyo yan kung talagang kayo."
"Ehhh, panu kong nakahanap na siya dun? Pano kung past time niya na lang ang tawagan ako? Pano kung hindi na siya uuwi?" Hala? Okay lang kaya ito?
"Ang paranoid mo ate. Magtiwala ka lang sa kanya"
"hindi mo pa kasi alam eh, hindi naman natin alam kung ano ang kahahantungan ng relasyon namin. Marami siyang mame-meet doon, maraming pwedeng mangyari, hindi naman tayo ang nagdidikta ng tadhana natin. At hindi natin alam ang takbo ng panahon. Baka isang araw magulat ka nalang ang meron ka ngayon bukas wala na. Kaya nga kahit mahirap nag-eeffort ako, pinaparamdam ko sa kanya na mahal ko siya araw araw, para kahit dumating yung panahon na sumuko at bumitiw na siya, atleast masasabi ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat at kahit kaylan hindi ako nagkulang."
Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit pala paminsan minsan nag-aaway kami ni ate, may pinagdaraanan din pala siya.
Tapos na kaming namili na ate, kaya ngayon nakapila na kami sa counter. Si ate naman lahat nagbayad ng pinamili namin. Aalis na sana kami ng biglang may humarang samin na isang empleyado din dito sa supermarket.
"Ma'am may raffle promo po kami, pwede niyo pong ihulog ang inyong resibo kasama ang inyong pangalan at address sa draft box" itinuri naman ng empleyado ang isang malaking kahon.
"Ahh ano po bang meron?" tanong ko habang hawak hawak ang dalawang plastic na pinamili naming ni ate.
"next week po ang anniversary nitong supermarket at marami pong mapapalanunan. At ang grand prize po naming ay trip to Palawan, 3 days, 2 nights po, 2 person po iyon." Palawan? White sand beach?
"Beach po ba?" tanong ni ate
"opo" sosyal ha!
"sige na ate ihulog mo na iyong resibo, malay mo manalo tayo" pumunta naman kami sa darft box na nakalagay malapit sa pintuan ng supermarket.
"Isulat mo na ang name mo" nagulat naman ako sa sinabi ni ate. Ako? Pwede rin. Pero ayaw ba ni ate?
"Oo ikaw na lang" ngumiti naman ako kay ate at sinulat ang name at address sa receipt, at hinulog ito. Diyos ko sana manalo ako!
"Thank you po" nakangiting sabi ng empleyado.
Umuwi na kami ni ate after naming mamalengke.
--
Mabilis lumipas ang araw, palagi lang kaming lumalabas ni Jess. Si Kath kasi out of the country silang magpamilya. Si Troy naman, ayun patuloy parin sa pangungulit. Pero nitong mga nakaraang araw, may pinuntahan din sila ng lola niya. Kaya hanggang text lang kami.
"Anong ginagawa mo dito?" rinig kong pagalit na sabi ni ate. Ha? Sino kayang bisita?
Asa loob ako ng kwarto ko. Padilim na ngayon kaya nakauwi na si ate at mama.
"Para humingi ng ta-" lalake? Lalake ang kausap ni ate? Nanatili akong nasa kwarto ko.
"Hindi ka naming kaylangan dito!" papgalit na sabi ni ate.
"Pasensya na sa-" pinutol na naman siya ni ate
"Hindi ka welcome dito!"
"Tama na!" sigaw ni mama. Anong nangyayari? Hindi na ko nakatiis at lumabas na rin ng kwarto ko. Pagkabukas ko ng kwarto ko nagulat ako sa taong nasa pintuan namin. Hindi ko man maalala ang mukha niya nung bata pa ko pero alam ko siya 'yun.
Papa. Ang taong nang-iwan samin dahil sa ibang babae.
Nagkatitigan kami ngunit naudlot iyon ng magsalita si Mama.
"Umalis ka na muna" tinaboy ni Papa at sinarado ang pintuan. Umiiyak naman si Mama. Kaya agad ko siyang niyakap. Alam kong kaylangan niya ng masasandalan. Through the years alam kong mahirap ang sitwasyon ni Mama. Na palakihin kami ni ate ng siya lang. Single parent ika nga. Naalala ko nga noon na kahit anong trabaho pinapatulan niya na para lang meron kaming makain.
Kaya nauunawan ko si Mama kong mahirap sa kanya ang patawarin si Papa. Pati din si Ate. Dahil na saksihan ni ate ang gabing iyon na iwan kami ni Papa. Kaya galit nag alit siya ngayon. Tulog kasi ako ng mga oras na iyon kaya hindi ko alam.
"tama na Ma, Makakasama sa iyon yan" pag-aalo ko sa kanya. Iyak kasi siya ng iyak. Masakit sa loob kong makitang umiiyak ang mama ko.
Pumasok naman si Ate sa kwarto niya. halata mong galit ito dahil nagdadabog pa.
Kinaumagahan ayos lang naman kaming kumain, hindi na lang naming pinagusapan si Papa kasi alam kong ayaw ni Ate at syempre gayun din si Mama. Masakit din sakin para skin 'yun dahil syempre inwan niya kami dahil sa kabit niya. Kulang pa ba kami? At talagang naghanap pa siya.
"Tao po!" napahinto naman kami sa pagkain.
"ako na po" tumayo naman na si ate at lumabas na.
"Ha!!" sigaw ni ate. Tumayo naman kami ni Mama at lumabas na rin.
"Chloe!" masayang sabi ni ate. Ano naman kayang nangyari?
"Oh?" tugon ko.
"Nanalo tayo! Trip to Palawan" masayang sigaw ni ate.
"Di nga?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
"oo!" Niyakap naman ako ni ate.
"Mama nanalo kami!" niyakap din ni ate si Mama. Tumawa lang si mama.
"Isa po sa inyo ang makakapunta sa Palawan" isa lang naman pala kala ko naman dalawa.
"Ganun po ba. Oh edi ikaw na lang Chloe ang pumunta!" nagulat naman ako sa sinabi ni ate. Ayaw niya ba?
"Eh pano ka?"
"May trabaho ako no. Tsaka 3 days yun kaya bawal ako lumiban" nakangiting sabi ni ate.
Palawan!
BINABASA MO ANG
The Promise
Romantizm"PROMISE IS A BIG WORD. IT EITHER MAKES SOMETHING, OR IT BREAKS EVERYTHING" I hope it makes something..
