A/N
HAPPY MOTHER'S DAY TO ALL MOTHER'S OUT THERE!
Feel free to comment and vote :))
****
'Every morning is a new beginning'. Naks! Good Mood ako ngayong umaga, syempre nakatxt ko si Papa Troy kagabi. OMG may pag-asa kaya maging kami?! Kami agad?! Haha! Patawa lang ba. Naglalakad na 'ko sa hallway ng school ng nakasmile. Pampa-good vibes ang laging naka-ngiti.
"psst." Lakad lang ako, malay ko bang ako yung pinapaswitan 'nun. Mamaya iba pala edi sabog ako. And then maya - maya "psst." Hala! baka multo. Pero umaga may multo?. "psst!"Hala di na natapos. "Hoy! White Lady" so si kapre pala yung 'psst' ng 'psst'. Pero dedma lang ako, ayoko kasi masira ang araw ko, umagang umaga pa man din.
Hinila niya ang wrist ko kaya napaharap ako sa kanya. "Ano bang problema mo?" tanong ko umagang umaga ha. "Bakit di ka namamansin?" tanong niya. Hinila ko ang wrist ko. "Bakit naman kita papansinin?" tanong ko din sa kanya. "Kala ko ba friends na tayo?" sabi niya in low tone. Nung bang kami lang ang nakakarinig. Tiningnan ko ang paligid namin, yayks! nakakagawa na kami ng eksena dito sa hallway, ayoko kasi yung center of attraction eh, di ako sanay. "Sinabi ko bang friends na tayo?" konting pagtataray ko sa kanya. "kala ko kasi-" sabi nya, ngunit pinutol ko na siya ng inulit ko ang tanong ko. "Sinabi ko bang friends na tayo?". "Tss" sabi niya sabay alis sa harapan ko at naglakad na palayo.
Patay! Nagalit ata. Umagang umaga kasi epal eh ayan tuloy natarayan ko. Pero nagu-guilty ako, tinulungan nya ko kahapon tapos ngayon tatarayan ko pa sya. Hay naku! Di pa nga pala ako nakakapag-thank you kahapon! Panu ba to!. Hmp. Bahala na nga.
Pagpasok ko ng classroom andun sya. Ngunit nakakunot ang noo nyang nakatingin sa kawalan. Hmp. Pano ba ito. Mamaya na nga lang. Naka-upo na ko sa upuan ko ng magsipagdatingan ang mga kaklase ko, dumaan din sa harap ko ang mga alipores ni satanas, sino pa nga ba kundi sila Alice and friends. Papunta sa direksyon ko si Alice. Ano na naman kayang kaylangan nito. Tiningan ko rin si Kath na nakatingin din sakin. Akala ko sakin pupunta si Alice ngunit laking gulat ko ng dumiretso ito kay James.
"James, pwede bang makipag-friends?" tanong niya in flirt tone. Grabe ah nakakasuka kala mo kagandahan di naman. Napa-irap lang ako sabay tingin kay Kath na naka-poker face ang mukha dahil sa ginawa ni Alice. Papansin talaga. "Of course" rinig kong sabi ni Kapre, for sure nakangiti 'yan hanggang tenga. "Oh really? Thank you! Can we eat together later?" Yuckk! Kapal ha! Babae pa talaga nag-yayaya walang delicadeza.
"Oh sorry to tell you but I have a date later with CHLOE" malakas na sabi ni kapre.
Whaaat?? DATE?? I frowned.
Halos lahat ng kaklase ko tumigil sa ginagawa nila at sakin nakatingin. Diyos ko Punyetang Kapre ka! Ano na naman itong paandar mo!. "oh I see, next time, I guess" sabi ni Alice na may tono ng panghihinayang. Bumalik sya sa upuan nya at umirap sakin.
Buti nga sayo! Whaat? Hala anong nangyayari sakin. Oh no! tiningnan ko ng masama si Kapre at sinabing "HUMANDA KA MAMAYA", diniinan ko para alam nya talagang galit ako sa kanya! "Sure babe" sabi nya ng nakangiti. Aba't letseng kapre ito. Inirapan ko lang sya kaya narinig kong tumawa siya ng mahina. Tumingin din ako kay Kath na katingin sakin na wari mo'y sinasabing 'EXPLAIN-EVERYTHING-LATER-LOOK'. PATAY!
BINABASA MO ANG
The Promise
Romance"PROMISE IS A BIG WORD. IT EITHER MAKES SOMETHING, OR IT BREAKS EVERYTHING" I hope it makes something..
