Chapter 8.1

150 55 4
                                        

A/N

Naayos din sa wakas ang laptop ko!.

Enjoy reading guys.

Feel free to comment and vote :)


***

Pagkadating ko sa bahay, diretso agad ako sa kwarto ko, naligo na lang ako dahil basa din naman ako, pati yung buhok ko. Takte naming ulan 'yun oh wrong timing. May kapre pa tuloy akong nakasama (pasalamat ka nga tinulungan ka) OO na!! Thank you, Thank you! Satisfied ka na? Ewan ko para na kong baliw dito kinakausap ko na sarili ko. Hay! Pero di nga kung di dahil sa kapre na 'yun siguro dun na ko sa waiting shed tumira.


Magtha-thank you na lang ako sa kanya bukas.


Pagkatapos ko naligo at nagpalit ng pantulog na damit lumabas na 'ko at tutulong kay mama mag-prepare ng hapunan. Paglabas ko ng kwarto, pumunta ako sa kusina at nakita si mama doon naghahain ng kanin. Kumuha na 'ko ng mga plato at nilagay sa lamesa.


Tumingin sakin si mama. "Bakit ngayon ka lang?" tanong niya. Humarap din ako sa kanya, "niyaya po akong mag-mall ng mga lokaret kong kaibigan" sagot ko.

"eh sino yung naghatid sa iyo? At di mo man lang pinapaso?" pag-uusisa ni mama habang kumukuha ng kutsara.


"ah yung kap-" kapre "KATH!, opo 'yun po si Kath po mama, may pupuntahan pa daw kasi sila kaya di na bumaba" buti na lang at naagapan ko kung hindi. Patay ako. "Alam ko hindi si Kath 'yun, iba ang kotseng nakita ko kanina." Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Sabi ko kasi sa kapre na 'yun dun na lang sa kanto nya ko ibaba, ayun nagpumilit na sa tapat na lang daw ng bahay namin tuloy, torture ako ngayon. (invisible cry)


"Ahh, ano po, kasi ano po" hindi ako makakuha ng tamang sasabihin. "Anak, please lang wag kang magmadali" eto na naman po tayo sa speech nya, mga magulang nga naman oo. "i-enjoy mo lang ang pagiging dalaga mo, wag kang magmadali, may tamang oras sa lahat ng bagay. Sa ngayon mag-focus ka muna sa pag-aaral mo, Love? Darating din naman 'yan eh, wag ka lang magmadali." Sabi ni mama sabay smile, ohhh na-touch naman ako doon. Pero ang OA ni mama ah, LOVE daw? Kay kapre love? Che! Ang bastos nun, mas gusto ko pa nga si Papa Troy kesa sa kanya eh.


"Anong meron?" bungad ni ate na kalalabas lang ng kwarto niya. "Girl Talk? Pa-join baka di niyo napapansin girl din ako, haha" baliw talaga 'to nakausap lang ang bf, eh good mood na. "Wala! Kain na tayo baka lumamig ito." Umupo na si ate at nagsimula na kaming kumain.


"May Good News ako!" masayang sabi ni mama sa amin. "ano po yon ma?" tugon ko habang kumukuha ng kanin. Si ate naman nakikinig lang habang kumakain. "may trabaho na ko!" full of smile na sabi ni mama. "Wow! Ano pong trabaho nyo?" tanong ko. "Katulong anak, mabait naman 'yung magiging amo ko, kaya no problem." Sabi ni mama "congrats ma" sabi ko sabay smile, kasi naman ilang araw ng naghahanap si mama ng trabaho buti nga may kumuha sa kanya. "okay lang po sa inyo ma?" tanong ni ate. "okay lang no, wag niyo akong problemahin kaya ko ito" sabi ni mama. Natapos ang hapunan namin. Nag-insist si ate na maghuggas ng pinggan kaya pumasok na ko ng kwarto ko.


Nakahiga na ako pero laman pa rin ng isip ko ang nangyari kanina.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon