Enjoy!
Chloe POV
"Asan na 'yun?" hindi ko alam kong anong mararamdaman ko ngayon. Kung maiinis ba ako o iiyak? Pati ba naman 'yung sulat niya mawawala sakin? Yun na lang eh, yun na lang.
Nakahabol pa ko sa klase ko kanina, okay naman ang buong maghapon ko. Akala ko okay pero hindi naman pala. Hinanap ko sa kahon 'yung sulat na binigay niya sakin noon ngunit nagulat ako ng wala ito sa lalagyan. Hinalughog ko na lahat ng gamit ko sa bag ko. Pati sa kwarto ko ngunit hindi ko talaga ito makita.
Napatingin ako sa libro ko. Oo! Tama! Binasa ko iyon nung nakaraan tapos tinawag ako ni Mama kaya nailagay ko iyon sa libro ko. May ngiting bumalot sa mukha ko. Malilimutin na talaga ako. Kinuha ko naman ang libro ko, ngunit agad namang napawi ang ngiti ko ng mapansin kong wala ito. Hinalughog ko ulit ang libro ko. Hindi pwede. Hindi! Binubuklat ko bawat pahina nito para lang makita ngunit nabigo ako. Hays.
Tiningnan ko ang kwarto ko. Makalat na ito. Bumuntong hininga ako. Bakas na bakas sa mukha ko ang panlulumo. Para akong nawalan ng isang milyon. Napa-upo ako sa kama ko.
"Nawala na nga ang kwintas na binigay niya, pati ba naman 'yung sulat na iniingat ingatan ko" bumuntong hininga ulit ako. Kainis na oh! Bakit? Bakit pati 'yung sulat? Hindi ko namalayang napaluha na ko.
"Eto siguro yung ginawang way ng tadhana para siguraduhing makakalimutan ko na siya" may tumulo namang luha galing sa mata ko. Kainis talaga.
"Anak?" narinig kong sabi ni Mama sa labas ng puntuan. "ayos ka lang ba diyan?" kumatok na rin siya.
"Opo Ma, may ginagawa lang po" tugon ko naman, napaupo naman ako ng maayos sa higaan ko.
"Kakain na tayo" sabi pa niya.
"Opo Ma, susunod na po ako" sagot ko naman sa kanya. Naramdaman ko naman na umalis na siya sa pintuan ng kwarto ko. Inayos ko na ang sarili ko bago ako lumabas. Masakit pa rin sa loob ko dahil nawala ang sulat na iningatan ko ng ilang taon. Nasa pintuan na ko ng kwarto ko ng tingnan ko ulit ang buong kwarto ko. Makalat. After ko na lang kumain ako maglilinis. Para makapagpahinga din ako after kong magayos.
--
Kinaumagahan pagmulat pa lang ng mata ko, ang bigat bigat na ng pakiramdam ko. Parang tamad ako pumasok ngayon araw na ito, pero hindi ako pwedeng lumiban sa klase dahil malapit na ang midterm namin di ko lang alam kung kelan. Bumangon na ko sa higaan ko, baka kasi mala-late ako. Bago ako pumasok sa banyo inayos ko muna ang pinaghigaan ko.
After kong maligo nagbihis na ko ng damit, simpleng pants, t-shirt, at doll shoes lang ang suot ko. Hindi kasi ako maarte sa pananamit ko eh. Sinuklay ko naman ang buhok ko at kinuha na ang gamit ko. Maayos ko namang natapos ang paglilinis ng kwarto ko. And for the second time, WALA. Wala talaga 'yung letter niya. Napagod na kong nag-ayos ng kwarto ko kaya siguro agad din akong dinalaw ng antok.
Lumabas na ko ng kwarto ko at kumain na, and after kong kumain sabay kaming lumabas ni ate at pumasok na rin ako sa school.
Naglalakad na ko sa hallway. Marami rami na ring mga estudyante ang nagsisipagdatingan, may mga iba na nagmamadali at mga estudyanteng nag-uusap o nagtsisismisan. Marahan lang akong naglalakad dahil hindi naman ako mala-late, at sa kasamaang palad nakita kong naglalakad si James at Alice, holding hands. Bakit parang may kirot tuwing nakikita ko sila? Bakit mas lalong bumigat ang pakiramdam ko? Siguro dahil ito sa confrontation namin noon. Hay. Napabuntong hininga na lang ako.
Pagpasok ko sa room namin halos lahat kami kumpleto na, pero merong iba na talagang late na dumarating. Nakita ko rin si Kath na nakikipag-usap sa seatmate niya, hindi ko na magawang lapitan siya dahil walang ako sa mood. Dumating na si Sir Castro. Isa sa mga Math Teacher naming, puro na kasi kami Major Subject since 5th year na kami.
BINABASA MO ANG
The Promise
Romance"PROMISE IS A BIG WORD. IT EITHER MAKES SOMETHING, OR IT BREAKS EVERYTHING" I hope it makes something..
