Chapter 5

182 59 7
                                        

Girl POV

"nye..nye..nye" bata 1

"hahahah.. bulag" bata 2

"bulag na nga, lampa pa" bata 3

ano kaya yung ginagawa ng mga salbahing bata na yun. Kapag kasi nakikita ko yang tatlong batang 'yan, may inololoko sila. Malapitan nga.

"Hoy kayong mga pangit.. tigilan nyo nga yang pang-aasar sakanya" sigaw ko doon sa tatlong salbahing bata. "Gusto niyo ihampas ko sa inyo itong kahoy na hawak ko?" sigaw ko na naman sa kanila may hawak kasi akong kahoy.

"ang lakas ng loob mong sigawan kami ah!" sigaw nung unang bata. sinamaan ko sila ng tingin at tinaas ko ang hawak kong kahoy at aakmang papaluin ko sila pero ang totoo di ko yun magagawa. Panakot lang kung baga.

"Tara na tol, babae yan" tawag nung isang bata sa kasama nya. Kaya umalis na sila. Tiningnan ko yung batang binubully nila kanina. Lumapit ako sa kanya at tinulungan syang tumayo.

"Ayos ka lang ba bata?" tanong ko. Alam ko naman di sya okay tinanong ko lang. haha.

"Nang-iinsulto ka ba?, natural hindi nabully na nga ako't lahat lahat , tingin mo okay pa ako?" sabi nya. Aba't pasalamat 'to tinulungan ko sya tapos ang sungit pa.

"Bahala ka na nga dyan" sabi ko. Aalis na sana ako kaso tinawag nya ko.

"oyy wait lang di ka na mabiro" sya " sorry na, teka lang asan ka ba banda?" sabi nya. so totoo nga yung narinig ko na bulag siya? teka nga matest na. Lumapit ako sa kanya at sinabing

"Bulag ka ba talaga?" tanong ko. Mabuti na yung alam ko yung totoo.

"Ano sa tingin mo?" pabalik nyang tanong. "Sa tingin mo itatanong ko kung alam ko?" pagsu-sungit ko din sa kanya.

"Oo totoo, bulag ako" mahinang sabi nya. "Oh ano aasarin mo rin ba ako, ibu-bully tulad nila?" sabi nya pa. Nakaramdam ako ng awa kaya di na ko nagsungit. Nilapitan ko pa sya at sinabing "di no, di naman ako tulad nila na salbahe, alam mo pwede mo kong maging kaibigan, yun ay kung gusto mo" sabi ko.

"Talaga?" di makapaniwalang sabi nya.


"OO basta ba wag ka ng magsusungit" sabi ko


"haha, ikaw nga dyan ang masungit e" pagbibintang nya.


"Di kaya ikaw kaya" sabi ko naman


"OO na, ano pa lang pangalan mo?" tanong nya, inalalayan ko sya para makaupo sya, naupo na rin ako.

"Loe, ikaw?" sabi ko "hmm. Jam" sabi nya (A/N. loe pronounce it as Louie)


"so, magkaibigan na tayo ah" sabi nya. "oo ba" sabi ko naman


Mula noon nasundan pa ang pagkikita namin ni Jam. Naging matalik kaming magkaibigan. Mabait sya. May pagka-chubby kaya inaasar ko syang mataba kahit di naman gaano. Malapit lang ang bahay nila sa pinaglalaruan namin kaya hinahatid na lang siya ng yaya niya. Nakatira kami sa dalampasigan. Mayaman sila Jam. Kaya isang araw natanong ko kung bakit di pa siya in-operahan gayong marami naman silang pera. Sabi nya lang di pa daw pwede kasi bata pa siya.

Ngayong araw magkikita kami ni Jam maglalaro kami malapit sa dagat.


"loe!..loe!.." sigaw niya. Napatingin ako sakanya inaalalayan siya ng kanyang yaya. "Andito na ko Jam" sigaw ko at patakbong lumapit sa kanya.


"Pwede mo na po kaming iwan yaya" sabi ni Jam sa yaya niya at umalis na ito.


"Loe may ibibigay ako sayo." sabi niya. Huh? ano naman kaya iyon.


"Ano yun" sabi ko. May inilabas siya sa bulsa niya, isa itong kwintas na hugis "8" kaso nakahiga nga lang.


"Ito oh ibibigay ko sayo, kwintas 'to, alam mo ba ang tawag dito?" tanong niya habang pinapakita niya sakin yung kwintas.


"Ano?" tanong ko naman.


"Infinity necklace" paliwanag niya. Wow ang ganda.


"Ang Ganda" yan lang ang tanging nasabi ko.


"Ingatan mo yan ah. Wag na wag mong iwawala" paalala niya.


"Oo naman, Salamat ah, Promise iingatan ko ito." tugon ko.


After noon naglaro na kami ni Jam, ng mga larong kaya niya lang laruin kasi nga bulag siya di ba?.

"Jam may ipaparinig ako sayong kanta itinuro lang sakin ni ate. Wag mo kakalimutan itong kantang ito ah" sabi ko

"OO ba, Game" Sabi niya.


****

A/N

Putulin ko muna. hehe



The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon