Chapter 22

64 5 0
                                    

22.


James POV

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko umiinom, di na ko pumunta sa bar dahil maingay. Umiinom ako mag-isa, iniisip ko pa ang nangyari kanina. Possible kaya siya? Pero sikat naman ang kantang 'yun. Kaya for sure maraming may alam kantahin 'yun eh tsaka si Alice 'yung may hawak ng kwintas na binigay ko noon. Siguro nga siya.

"HAAY! Ewan" ginulo ko na naman ang buhok ko. Hindi ko talaga alam. Hindi ako sure. Paano ba ito? Anong gagawin ko? Dapat ko bang ipagsawalang bahala 'yung narinig ko? Siguro nga.

Kaylangan ko munang maging kampante. Basta hindi ako sure kung sino nga sa kanilang dalawa si Louie. Basta gagawin ko ang lahat malaman lang kung sino si Louie sa kaninang dalawa.


CHLOE POV

Nandito ako sa loob ng kwarto ko, nagrereview malapit na rin kasi ang Midterm Exam namin eh. After kong lumabas kanina sa Music room, naglakad ako hindi ko nga alam kong saan ako patungo eh basta naglalakad lang. Sa malas na pagkakataon na kasalubong ko si Troy, ang awkward pa kasi eh. Hindi ko nga alam kong ako lang ang nakakaramdam ng awkward sa aming dalawa. Casual naman siya.

[FLASHBACK]

"san ka papunta?" tanong niya habang papalapit sakin. Naamoy ko naman ang pabango niya.

"ah..eh..ewan" hindi ako makatingin ng harapan sa kanya. Naiilang talaga ako.

"gusto mo bang sumama sakin" Ayoko! Ewan! Ang gulo ko. Baka kasi mamaya mahala niyang iniiwasan ko siya. Ang bait bait pa naman niya sakin.

"Sa-san ba?" tumingin na ko sa kanya. Nakangiti naman siiya sakin. Naks! Good Mood siya. Ako? Hindi! Inaalala ko pa kasi kung sinong tao 'yung nakakita o nakarinig sakin sa Music Room.

"Sa Gym" tugon niya. Gym?

"Sige" ngumiti na rin ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad papuntang parking lot dahil nandoon ang sasakyan niya. Nang makarating kami doon pinagbuksan niya 'ko ng pintuan, lihim naman akong napangiti sa ginawa niya. May gentleman pa pala. Nang maisarado niya ang pintuan sakin, umiikot siya at sumakay sa driver's seat. Pinaandar niya naman ang kotse patungo sa Gym niya.

Nasa loob na kami ng Gym niya, nagtungo naman ako sa locker para ilagay ang mga gamit ko. Nagpaalam naman saglit si Troy na may titingnan lang. Palabas na sana ako ng locker room, "Chloe?" napahinto naman ako sa paglalakad ko para tingnan ang nagtawag sakin.

"You're Chloe right?" tanong ng nakangiting si Kyle. Wala ba siyang pasok ngayon? Bakit siya nandito?

"Ye-yes" Close ba kami? Ang pagkakaalam ko sila ni Jess. Pero di pa ako sure kung talagang close sila. Hindi pa kasi nago—open up 'yung babaeng 'yun eh.

"Your with Je- your friends?" Hmmm. I smell something fishy. Agad naman siyang tumingin sa ibang direksyon ng tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata.

"Hindi eh" kung alam ko lang na andito itong lalakeng ito edi sana isinama ko iyong babaeng iyon. Tiyak na matutuwa talaga iyon. Iyun pa.

"Ahh okay" ngumiti naman siya pero alam kong pilit lang iyon. Ano nga ba talagang score sa kanila ni Jess? Gusto na rin kaya ni Kyle si Jess? Maganda din naman si Jess, may pagka-childish nga lang. "magwo-work out ka?" bumalik ako sa realidad ng tanungin niya ako.

"Ah,oo sinama na ko ni Troy dito" sagot ko naman. Ngumiti naman siya. "ikaw?"

"oo, gusto mo i-guide kita?" tanong naman niya

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon