Chapter 24

34 4 0
                                        

Enjoy!

---

[James POV]

"Alice pwede magtanong?" naglalakad kami ngayon sa papuntang park. Sa loob pa rin naman ito ng unibersidad. Katatapos lang kasi ng pasok naming ngayon umaga kaya nagyaya siyang pumunta dito. Tsaka ito na rin ang pagkakataon para malaman ko ang totoo. Ang katotohanan. Siya ba talaga si Louie o nagpapanggap lang siya?

"Of course" nakangiting tugon niya. Umupo naman siya sa isa sa mga bench gayun din ako. Ano bang magandang itanong? Ah!

"Naalala mo pa 'yung una nating pagkikita?" inobserbahan ko naman ang mukha niya.

"Ah....eh.oo naman" hindi siya mapakali, hindi rin siya makatingin sakin "..bakit?" tanong niya pa.

"san na nga ba iyon banda?" kinakabahan lang ako sa magiging sagot niya. dahil at this point alam ko na ang kasagutan sa tanong ko.

"Ba-bakit mo naman na itanong?" bakit ba hindi niya na lang sabihin? Naiinis na ko.

"Basta sagutin mo na lang!" hindi ko na napigilan at napalakas ang boses ko.

"Ano alam mo ba?!" napatayo naman din siya sa tanong ko. Halata sa mukha niya ang pagkabigla dahil sa inasal ko.

"Ba-kit ba kasi importante iyon, andito naman na ako ah" What?! Hinablot ko naman agad ang braso niya. Ano to gaguhan lang? nagpapanggap lang siya! all this time hindi pala siya ang kababata ko!

"Aminin mo nga sakin! Ikaw ba si Louie?!" mahina ngunit madiin ko sabi sa kanya. Nanlilisik ang mga mata ko ngayon.

"ano ba James! Nasasaktan ak-" hinigpitan ko na naman ang pagkakahawak sa braso niya.

"Talagang masasaktan ka kung hindi mo sasabihin ang totoo!!"

"Nagpapanggap ka lang di ba?!"

----

[CHLOE POV]

"Grabe ang hirap talaga nitong calculus na ito..wish ko lang sana hindi ko bumagsak!" madramang sabi ni Jess. Andito kami sa coffee shop sa tapat ng unibersidad, marami din mga estudyante ang naririto, yung iba nagtsi-tsismisan, yung iba naman nagda-date. Andito kami hindi dahil nagtsi-tsismisan, hindi rin dahil nagda-date kundi dahil NAGRE-REVIEW. On-going na kasi 'yung finals naming eh. At itong katabi kong si Jess, gusto ng umiyak sa tabi ko.

"ang ingay mo Jess" sabay tingin ko sa kanya. Puyat pa rin kasi ako, actually kaming tatlo. Kadami daming requirements ang pinagawa samin, kesho research paper diyan, compilation dito. Nakaksabog ng utak. Samahan mo pa ng sangkatuutak na formula. Edi Sabog!

Nagsusulat ako ng compilation isa kasi ito sa mga requirements sa Physics 5 namin. Gayun din si Kath na sabog din ang eye bag.

"Alam niyo.." napatingin naman kaming dalawa ni Kath sa kanya. ".. nung high school pa tayo kahit matulog tayo sa klase, pasado parin. Pero ngayon college, hindi na nga tayo makatulog, bagsak parin!" sabay tampal ni Jess sa noo niya. Kung makahugot naman itong si Jess. Nagkatinginan lang kami ni Kath sabay ngisi, at sulat ulit.

"Patapos na rin ako sa wakas Kath, ikaw?" tanong ko.

"Dalawa na lang" sagot niya hindi naman siya nagabalang tumingin sakin.

"CHLOE!!!" nagulat ako sa sumigaw na iyon. Lahat kami napatingin sa pintuan, at sa taong sumigaw ng pangalan ko.

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" papalapit siya sakin, galit nag alit siya bakas din sa mukha na kagagaling niya lang umiyak, agad naman akong napatayo. Ngayon lahat na ng atensyon ng mga naroon sa coffee shop eh na samin na. Naramdaman ko namang tumayo na rin sa likod ko sila Kath at Jess.

"Ano ginagawa ko sayo?" nagtatakang tanong ko. Sa oras na ito kinakabahan ako, dahil talagang naggigigil siya na nakatayo sa harapan ko.

"ginawa?.." sarcastic niyang tanong "...marami! Marami!!" dinuro niya naman ang mukha ko at hinila niya ang buhok ko. Aray! Napahawak naman ako sa buhok ko na hinila niya. ang sakit.

"Inagaw mo lahat sakin! Walang hiya ka!" sigaw niya pa. Naramdaman ko namang tumigil siya sa paghila ng buhok ko.

"Tigilan mo ang kaibigan ko! Hayop ka!" nakita ko namang pinagtulungan ni Kath at Jess si Alice. Agad namang may pumagitna sa tatlo. Gulong gulo ang buhok ni Alice.

"Bitawan niyo nga ako!!" sigaw niya pa. Habang nilalabas siya sa coffee shop. Hindi ko namalayan umiiyak nap ala ako. Lumapit naman sakin si Jess at Kath na halatang galit din sa nangyari.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Jess sakin. Niyakap niya naman ako at doon ko na binuhos ang mga luha ko. Bakit anong kasalanan ko sa kanya? Bakit bigla na lang susugod siya dito at aaway bigla? Wala naman akong atraso sa kanaya ah?

"Hussshh, tahan na chloe"

"Wala naman akong kasalanan sa kanya ah, bakit siya ganun sakin?" umiiyak kong sabi sa kanya.

"Baliw talaga iyong babaeng iyon, pabayaan mo nay un" nakayakap parin ako kay Jess at humihikbi.

"Chloe dib a sayo ito?" napatingin naman ako kay Kath.

"patingin *sob* nga ako" lumapit naman siya sakin bitbit ang isang


kwintas.


The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon