A/N:
pasensiya na sa grammar ko.hehe
i hope you like it. :)
****
Nakauwi na ko at ngayon ay nakahiga na ko sa kwarto ko. Habang nasa-isip ko pa rin si mamang nerd. Di ko talaga siya maalis sa isip ko buti na nga lang kanina nakapag-concentrate ako sa klase kung hindi patay ako sa prof ko ang sungit pa man din. matandang dalaga ata.
"hayyy" napabuntong hininga na lang ako. Nakalimutan ko kasi tanungin yung pangalan nya. Kasi naman kung makahila naman itong si Kath wagas eh no.
Ano kayang panglan nun.
Juan kaya ?
Kenneth ?
Aaron ?
Niel ?
Alex ?
Conrado ?
Tae anong conrado kaya. Hmmm. Bahala na. Crush pa lang naman.
Hay. Matulungan na nga lang si Mama sa labas.
Naabutan ko si mama naghahanda na nga pagkain para sa hapunan namin.
"Oh anak, tatawagin pa lang sana kita e, buti lumabas ka na" sabi ni mama habang kumukuha ng kanin sa kaldero. Kumuha na rin ako ng plato sa lalagyan.
"Opo, tulungan ko na po kayo." sabi ko sabay ayos sa mga plato sa mesa.
" Oo nga po pala kamusta naman po yung paghahanap ninyo ng trabaho mama?" pagtatanong ko.
"Ayun wala pa rin" sabi ni mama sabay buntong hininga. Naaawa na ko sa mama ko talagang itinataguyod nya kami samantalang yung hudas kong papa nagpapakasaya sa kabit nya. Ma-Karma sana.
"Okay lang yan ma, may awa ang Diyos, di Nya tayo pababayaan" pag-e-encourage ko sa kanya.
"Kaya nga, bukas maghahanap ulit ako" sabi ni mama sabay smile. That's the spirit.
"Oh sya. tawagin mo na yung ate mo at kakain na tayo." utos ni mama
"sige po ate"
Maayos namang natapos ang aming hapunan. Natulog na ako after noon, buti na nga lang at nakatulog ako kasi naman si mamang nerdy paikot-ikot sa isip ko. ayiieee. hahaha
Kagigising ko lang as usual ginawa ko na naman yung mga daily routine ko at after kong kumain nagpaalam na ko't umalis.
Nakapasok na ko sa klase at hinihintay na lang namin dumating ang aming prof. di kami magkatabi ni Kath, kainis nga eh wala akong katsismisan.
Dumating na si ma'am at nagdiscuss na siya ng lesson namin sa kanya. After how many years . haha OA lang, natapos na rin ang klase namin sa kanya pero si ma'am may pahabol.
"Okay class you will be doing a research about computer. You compare the computer before and the computer nowadays. and it will be submitted tomorrow afternoon, and it's individual assignment. Okay class dismiss" mahabang pahayag ni ma'm Sanchez
![](https://img.wattpad.com/cover/38127467-288-k693244.jpg)
BINABASA MO ANG
The Promise
عاطفية"PROMISE IS A BIG WORD. IT EITHER MAKES SOMETHING, OR IT BREAKS EVERYTHING" I hope it makes something..