This story is not edited so sorry for the errors due to typing and grammars
xx jgrande1997
-
"ARAY! Kung makahila ka naman parang laruan lang ako eh no" sarcastic kong sabi kay Kapre. Oo siya ang humila sakin kanina. Nandito na kami sa tapat ng sasakyan niya.
"sakay." sabi niya na nakatingin sa kotse niya. Takte! Ano ako Robot??
"Excuse me?" tanong ko sakanya, sabay taas ng isang kilay ko.
"Bakit dadaan ka ba?" pamimilosopo niya.
Hinampas ko siya. "Kinakausap kita ng maayos ha!"
"Bakit maayos naman yung sabi ko ah?" painosenteng tugon niya.
Inirapan ko lang siya, "san ba kasi tayo pupunta?" mahinahon kong tanong.
"Basta. Pumasok ka na" may lugar bang 'basta'? pagkaka-alam ko wala e.
"May lugar bang 'basta'?" pamimilisopo ko din sa kanya, nakita kong naiinis na rin siya. Buti nga.
"Pumasok ka na, baka di mo magustuhan kong ako mismo ang magpapasok sayo. Pero Teka?" sabi niya sabay hawak sa baba niya na animo'y nag-iisip. "pero sa kabilang banda baka magustuhan mo" sabi niya sabay smirk. Mukhang hindi ko gusto ang iniisip nitong kapreng ito ah. "ikaw pa itong magkakaroon ng benefits" dugtong niya sabay taas baba ng kilay niya. Walang hiya! Kapre talaga!
"Che! Mukha mo!" pumasok na lang ako sa loob baka kasi mamaya may gagawin yung kahalayan sakin. Pero as if naman na may gagawin iyon sakin. Hmp!
"pumasok din pala" sabi ni kapre nung nakapasok na siya at nakaupo sa drivers seat. "pero buti naisip mo pumasok no? wala din naman akong balak patulan ka, may sira lang sa ulo ang papatol sa iyo eh" Manyak na nga! Bastos pa. Hinampas ko siya. Tumatawa lang siya, hindi ko alam kong saan kami papunta pero patungo ang daan sa...
mall??? magma-mall kami??
"anong ginagawa natin dito?" tanong ko habang naghahanap ng mapaparadahan si Kapre.
"May bibilhin ako dito" bored na sabi niya.
"so, dapat kasama ako?"
"oo pan-display lang"
"pa-" hindi ko na nasabi ang sasabihin ko dahil hinila niiya na ako papasok sa loob.
Hila-hila parin ako ni Kapre sa loob. Teka lang may paa naman ako ah, bakit kaylangan pa akong hilahin na parang bata. Kainis. Huminto kami sa mamahaling boutique.
"Anong gagawin natin dito sa loob ng boutique?" hinila niya ako papasok sa loob. Buti na lang binitawan niya ako dahil kinausap siya ng isa sa mga staff ditto. Nagmasid masid ako sa loob ng boutique kapansin pansing puro panlalaki ang mga damit ditto. Mga long sleeve, T-shirt, Jeans, Shoe's, pati br..Brief?? Oh my God. Nilapitan 'ko ang isa sa mga T-shirt na naka-display.
"Hmmmm...simple lang ito. Malambot ang telang ginamit" napansin ko ang tag price na nakadikit sa damit. Halos lumabas ang mata ko sa nakita ko.
"2,500????!!" Naks! Ang mahal ah. Simpleng T-shirt lang ito! Are you kidding me???! Tiningnan ko yung isang T-shirt na katabi niya "2,300??" nananaginip ata ako. Jusko!
BINABASA MO ANG
The Promise
Romansa"PROMISE IS A BIG WORD. IT EITHER MAKES SOMETHING, OR IT BREAKS EVERYTHING" I hope it makes something..
