Nang nakasakay na ko sa taxi papuntang bahay hindi ko na napigilang humagulhol. Ang sakit sakit, hindi ko alam kung kaya ko bang iprocess lahat ng nalaman ko ngayog araw na ito. Kaya hindi ko rin masisisi si ate na ganun ang reaction niya towards him. Kasi ako kinamumuhian ko na siya.
Hindi ko inakalang pati si Troy alam lahat ng ito? Bakit hindi niya sinabi sakin? At balak niya pa talaga akong ligawan. Mga walang hiya silang dalawa. Magsama sila! Parehas silang mga walang kwenta.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa tapat ng bahay namin. Bumaba na ko sa taxi pagkatapos kung magbayad. Nakita ko naman si Mama na nakaupo sa sala. Tumayo ito ng napansing dumating na ko. Wala pa ngayon si ate dahil may pasok pa ito.
"Ano anak?" bungad ni Mama.
"Ma, alam niyo po ba itong lahat?" tanong ko
Tumingin sa ibang direksyon si Mama at yumuko. Alam ko na ang sagot. Kahit hindi niya sabihin.
"Mama" Mahina kong sabi.
"Oo, alam ko. Na may karelasyon siya noon. Na nagkaroon sila ng anak ng kabit niya. at nagbunga ito alam ko lahat ng iyon anak." Pumiyok si mama habang sinasabi iyon. agad ko naman siyang niyakap.
"Mahal ko kasi ang Papa niyo kaya tinaggap ko siya noon.." Umiiyak pa rin siya. Hindi ko na rin napigilang umiiyak. "...pero hindi ko inaasahang umalis siya, na iiwan niya tayo"
"Mama, kalimutan na natin siya" bulong ko sa kanya. Agad naman siyang kumalas ng yakap at humarap ito sakin.
"Hindi anak. Humingin naman siya ng tawad eh.."
"Ma! Wag ka namang magtanga tangahan. Niloko ka niya, niloko niya tayo" Umiiling naman si mama sa sinabi ko. Pinupunasan ko na ang mga luha ko.
"Hindi anak, humihi—"
"Tama na Ma! Makinig ka saki—"
"Ikaw ang makinig sakin, Chloe! Kahit anong gawin mo. kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo, ama mo pa rin siya at anak ka niya. Bigyan mo siya ng second chance anak"
"hindi ma! Hindi mangyayari yun"
Agad naman akong umalis sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha ko. Kelan kaya ako titigil sa pag-iyak.
Bakit naman kaya bibigyan ng chance ni Mama yung taong iyon? yung taong yun na sumira lahat. Sumira sa pamilya namin.
Agad ko naman kinuha ang phone ko sa bulsa ng pants ko. Tinatawagan ko ang mga kaibigan ko ngayon ngunit busy si Kath hindi ko ma—contact. Si Jess naman naka-off ang phone niya. Hindi ko na talaga alam kung san pupunta ngayon. Umupo muna ako sa tabi ng kalsada.
Tumigil naman ako sa kakaiyak dahil alam ko namang walang patutunguhan kong iiyak na naman ako.
Agad namng pumasok sa isip ko si James? Sa kanya kaya muna ko pumunta. Wala naman sigurong mawawala dib a? Kaylangan ko lang talaga ng taong masasandalan ngayon araw na ito. Baka kasi hindi ko kayanin. Ang daming revelation. Gusto ko na munang magpahinga.
Naalala ko naman yung time na dinala ako ni James sa condo niya. Yun yung time na nabuhusan ako ng tubig sa school non. Alam ko pa yun kung saan yun. Kaya hindi ako nagatubiling pumunta dun.
Pagkababa ko sa taxi, tinanong ko sa babaeng nasa front desk ang room no. ni James. Sa una ayaw niya pa itong ibigay ngunit namakaawa ako sa kanya. Ayun at binigay niya naman. Pumasok agad ako sa elevator at pinindot ang no. ng floor niya. Habang nasa loob ng elevator hindi ko mapigilan kabahan. Ano namang sasabihin ko? Na gustong bumalik ng papa ko saming pamilya? Na kapatid kop ala si Troy?
BINABASA MO ANG
The Promise
Romance"PROMISE IS A BIG WORD. IT EITHER MAKES SOMETHING, OR IT BREAKS EVERYTHING" I hope it makes something..
