Papasok na kami sa campus.
"tara na sa Accreditation Room para sa schedule natin" sabi ni kath
Nagdere-deretso na kami papuntang accreditation room. Wala na masyadong estudyanteng nakapila kasi nakuha na nila yung mga sched nila noong enrollment, pero dahil ayaw naming makipagsisikan tuwing enrollment ngayon pa lang naming kukunin.
"hey, anong section niyo?" tanong ko sa dalawa habang palabas kami ng accrediatation room.
"BSECE-5A, kayo?" tugon ni kath.
"Same here" tugon ko habang nakangiti. Buti nalang may kasama ako sa klase.
"Oh M! bakit BSIE-5B ako???" sigaw ni Jess. Naku po! Lumalabas nanaman ang pagka-OA nya.
"Ayus lang yan baka kaklase mo si Kyle diba?" pang-asar ni Kath.
"Che! Maka-alis na nga lang. kita nalang tayo mamayang lunch time. Babooo!" sabi ni Jess na namumula pa.
Pag si Kyle talaga ang topic affected na affected yun. Crush nya kasi magmula elementary pa lang e ayun namang kyle babaero.
"Tara na, baka ma-late na tayo" yaya ko kay Kath.
Ang course namin ni kath ay Electronics Communication Engineering. Kasi hilig ko ang mga devices, kahit mahirap lang kami alam kong matatapos ko itong course kong to. Si Jess naman ay Industrial Engineering, di nya matanggap kanina kasi second section sya.
Himala atang pumasok yung mga prof naming. Kasi kapag first day ng klase wala pang prof ang pumapasok.
Natapos naman ng maayos ang dalawang subject naming. Kakaboring lesson agad.
Nandito na kami sa cafeteria kasama na rin naming si Jess.
"uy may bali-balita na may transferee daw sa Civil na nerd., eto pa hindi lang basta nerd. Oh my! Makalaglag-Vagina daw ang kagwapuhan." Mahabang chismis ni Jess.
"Ayan dyan ka magaling! Haha" pang-aasar ko
"di naman narinig ko lang nung papunta ako dito no." depensa nya.
"pero nakita mo na?" tanong ni Kath
"Uy interesado sya. Hahahaha" pang-aasar ni Jesse kay kath habang ako kumakain lang.
Hindi naman na iba yan dito sa Engineering, syempre ano pa ba ang aasahan mo e karamihan o halos lahat yata dito e lalaki.
"Magboyfriend ka na kasi. Haha" pang-aasar ko rin.
"Wow ha! Para namang nagkaboyfriend ka na chloe aa, hiyang- hiya naman ako sayo" depensa ni kath.
BINABASA MO ANG
The Promise
Romance"PROMISE IS A BIG WORD. IT EITHER MAKES SOMETHING, OR IT BREAKS EVERYTHING" I hope it makes something..
