Chapter 7

6 1 0
                                    

* ALYSON's POV *


"Bakit po? May problema po ba?" Tanong ng isang sales lady.


"Ah, wala!" Sabi ni Jiro sabay hila sa akin.


"Ang sweet nyo naman Sir!" Sabi ng isang sales lady.


"Syempre, kami pa! :)" Sabi ni Jiro.


"Jiro! Ikaw ha! Feel mo rin na tayo! Eh, di naman totoo!" Sigaw ko sa kanya.


"Basta! Wag ka na lang maingay!" Sabi sa akin ni Jiro.


"Ma'am, you can fit this dress in the fitting room" Sabi ng isang sales lady sakin.


"Sure!" Sabi ni Jiro.


"Ikaw ba ang Ma'am? Kung ganon, punta ka na sa fitting room at isuot yung dress" Sabi ko kay Jiro.


"Grabi ka! Di pa nga tapos!... Sure! She can fit this dress! Diba my gf?!" Sabi ni Jiro. Nilakihan ko ng mata si Jiro. Kinalabit nya naman ako.


"Sige na" Sabi nya.


"Ok!" Sigaw ko kay Jiro.


"Ma'am, doon po tayo" Sabi sa akin ng isang sales lady.


"Go Alyson! You can do it!" Sigaw ni Jiro.


"Ang oa mo!" Sigaw ko sa kanya. Bigla namang tumawa yung mga tao sa loob ng store.


"Akala mo ha! Bantay ka lang!" Sabi sa akin ni Jiro sabay dila sa akin. Pagpasok ko sa loob, agad kong hinubad yung uniform ko. Napansin kong suot suot ko pala yung necklace na regalo sa akin ni Ken, na may nakasabit na pangalan ko at ni Ken. Tumingin ako sa salamin. Ano ka ba Aly? Maghihintay ka sa taong di mo alam kkung darating pa! Umaasa ka na babalikan ka pa ni Ken. Bakit ko ba inaalala si Ken? Nandyan naman si Jiro, lagi nya akong pinapansin and at the same time pinapakilig. Ewan ko ba, bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko kay Jiro. Kung bakit kapag kausap ko sya, pakiramdam ko lagi akong ligtas sa kanya.


"Hoy! Aly! Bilis bilis naman dyan! Mag iisang oras kang dyan!" Sigaw ni Jiro sa labas. Dali dali akong lumabas pagkatapos kong suotin ang damit ko.


"O! Eto, ok na?" Tanong ko sa kanya.


"Hindi eh, yung dress hindi maganda pero ikaw maganda" Sabi ni Jiro sa akin. Ano ba tong lalaki na to? Ang choosy! Daig pa ang babae kung makapagjudge ng damit.


"Psst! Ito isuot mo baka bagay sayo :)" Sabi ni Jiro.


"Ok!" Sabi ko ulit sa kanya. Dali dali akong pumasok sa dressing room at isinuot ang damit. Pagkatapos ay lumabas na kaagad ako sa dressing room.


"So, ok na to?" Tanong ko kay Jiro. Biglang napatayo si Jiro sa kinauupuan nya.

"Wow! Ikaw ba yan?" Tanong nya.

When The Past Came Back To It's PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon