Chapter 18

3 0 0
                                    

* JIRO's POV *

"Sorry ha, na late ako. Napaghantay ba kita ha, Aly?" Tanong ko.

"Hm? Di naman, bakit?" Tanong nya.

"Akala ko kasi galit ka". Sagot ko.

"Ah, pero sino yung may hawak hawak sa kamay ko kanina tapos naririnig ko pa na kinakausap ako?" Tanong nya.

"Huh? Baka si—-" Pinutol ni Aly ang sasabihin ko.

"Wag mo ng ituloy, siguro sya nga. Ay, di lang siguro kasi sya lang naman ang kasama ko dito" Sabi ni Aly. Napaisip naman ako dun. Grrr! Bwisit na lalaking yun, dumadamoves na kay Alyson. Sabagay, binilin ko sa kanya si Aly eh kaya wala ako magagawa!

* Knock * * Knock *

"Pasok lang po" Sabi ko. Pumasok ang Doctor ni Aly.

"Oh, Doc! Bakit po?" Tanong ko.

"Pwede na syang makauwi bukas" Sabi ni Doc.

"Eh! Yung sa room number 204, pwede na rin po?" Tanong ko

"Ah! Pwede na rin, maayos na rin kasi ang lagay nya. Sige po, may pupuntahan pa kasi ako" Sabi din ni Doc

"Thank you po!" Sabi ko.

"Ahm... Jiro? Ano nga pala yung utos mo sa akin? Yung dapat kung gawin para mapansin mo na ako at para mapatawad mo na ako?" Tanong ni Alyson.

"Huh? A-ah? E-eh... wag na! Tapos na kasi" Sabi ko.

"Anong tapos?" Tanong nya.

"Eh... naunnahan mo ako? Magpalibre sana ako sayo sa Mcdo? Eh kaso, naunahan mo ako" Sagot ko. Tumawa ng malakas si Alyson at nagkatitigan kami. Ang awkward ng moment noh? :x

"Hoy, wag mo nga ako tignan ng ganyan! Baka sa titig mo, matunaw ako!" Sabi ni Alyson. Boom! Lumapit ako sa kanya ng lumapit.

"Hoy, don't you dare to do that to me or else?!" Sigaw nya.

"Or else what?" Tanong ko.

"I will kick your precious diamond!" Sigaw nya.

"Sus! Ito naman, may tinanggal lang sa buhok mo! Oh! Ito, dumi!" Sabi ko.

"Oh, thank God" Sabi ni Aly.

"Bakit? Gusto mo ba? Kung gusto mo, pwede kong ituloy?" Tanong ko.

"Sige! Subukan mo, para mabiak yang precious diamond mo!" Sigaw ni Aly habang nakahanda na.

"Hay! Napakagreen minded mo, ha!" Sigaw ko sa kanya.

"Hala ka? May pa green minded, green minded ka pang nalalaman dyan! Sige nga, ipaliwanag mo kung anong ibig sabihin ng green minded!" Sigaw ni Aly.

"Huh? Ah? Eh? Yung... hay, wag na nga! Nevermind!" Sigaw ko. Sabay tawa naming dalawa, napatigil naman kami nung may tumawa din.

"Jiro? Sino yun?" Tanong ni Aly. Pero bago pa ako makapagreact, may kumatok sa pintuan.

* Knock * * Knock *

"Sino po yan?" Tanong ko.

"Ah? May sasabihin lang po" Sabi ng boses babae. Pagbukas ko ng pintuan, si Ate Nurse yung nakita ko.

"Ah, Nurse? Bakit po?" Tanong ko.

"May pinapasabi po yung pasyente po sa room 204, may LQ daw po ba kayo ng girlfriend nyo? Parang aso't pusa daw po kasi kayo kung mag away" Sabi ng nurse. Natawa na lang kami sa sinabi ng nurse.

"Ah, Nurse! Wala po, FQ lang po. Friendship Querelle lang po" Sagot ni Aly.

"Okay po, pasensya na po sa abala!" Sabi ng nurse.

When The Past Came Back To It's PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon