Chapter 19

5 0 0
                                    

* FAITH's POV *

Whoa! 3 days na ako nakaconfine dito pero, atlast! Makakauwi na ako bukas! Naiinip na rin kasi ako dito, wala yung mga parents ko eh! Kapatid, wala ako! Ayoko naman din ipaalam sa mga relatives ko na nakaconfine ako dito dahil for sure, bully ang abot ko dito! Nasabihan na rin ako ng doctor ko na pwede na rin ako makauwi, kasabay ni Ate Alyson! :) Kung napapansin nyo, ate ang tawag ko sa kanya. Eh, nahihiya kasi ako umamin na idol ko sya. Oo, totoo yun. She is a kind of person na simple but brave, yan ang gusto ko sa kanya. Kahit gaano kadami ng problema nya, nagagawa nyang solosyunan lahat. And show of respect ko na rin yun and thanks a lot na rin sa kanya! Maybe, kung di sya tumulong, pinaglalamayan na ako ngayon! Hahaha! Awkward! Di ako makapaghantay na kita ko yung Sabrina at Yolene na yan! I will give them a fight! Hay, baka akala nyo suntukan o sabunutan yun! Hahaha! Nagkamali sila ng pinili nilang awayin! Dahil isang sabi ko lang sa lola ko, automatic mapapaalis sila sa University na yun! *Evil Smile* Hay, naku! Sinusugod ako ng kademonyuhan ko dito, di naman ako ganun! May awa din ako noh! Hay, kahit one and only daughter ako! Di ako pinalaki ng mga magulang ko ng ganun, di ako spoiled brat! And kung sakaling madamay sila ate Alyson, I will clean her name! Ha! Lola ko kaya ang president ng University na yun. Wow, ang galing! Ding! Ang bato? Isubo, Darna! Spell akward! Yun, lalamulala! Oh, sige na! Payag na ako sa gusto nyo, ako na! Ako na, talagang ako na ang awkward! Oh, ang sakit!

* ALYSON's POV *

Hay, sa wakas! Nakauwi na rin ako sa bahay! :) Naku, patay ako kay Mama at Papa nito! Yari na naman ako! Hay, naku! Sabagay, wala naman akong ginawang masama. Ako yung ginawan ng masama! Grabi sila, kakatapos lang ng debut ko! Ginawan na ako ng masama at ng mga issues! Bakit naman ako nagagalit? Eh, hindi ko naman alam ang buong pangyayari ah. Hay, naku! Whatever! Anyways, naghahanda ako ngayon para makapasok na ako sa precious University namin. Nagtext na rin sa akin si Jiro na susundoin nya daw ako dito sa bahay para sabay na daw kaming makapasok kasi daw schoolmate ko na daw sya, classmate ko pa daw sya at seatmate ko din daw sya! Akalain mo, may alam na ganun si Jiro. Hay! Hindi ko sinasabi na bobo si Jiro ha. Eh, kasi baka yun yung iniisip nyo. Jokes echoes lang :) pero sa bagay, may point sya.

*Beep* *Beep*

"Alyson, nandito na sundo mo!" Sigaw ni Mama.

"Opo, wait lang!" Sigaw ko.

"Dali, Anak! Baka isipin ng boyfriend mo, pinaghihintay mo sya!" Sigaw ni Papa. Dali dali naman akong bumaba.

"Papa, ilang beses ko po ba dapat sabihin sa inyo na hindi! As in, hindi ko po boyfriend si Jiro! Kaibigan ko po sya at classmate po!" Sigaw ko.

"Aw, sorry!" Sabi ni Papa. Si Mama naman, tawa ng tawa.

"Hindi ka na ba kakain, anak?" Tanong ni Mama.

"Ahm... Penge na lang po ng dalawang orange juice and two sandwich" Sabi ko.

"Sayo lahat yan? Ang takaw mo naman" Sabi ni Papa.

"Di po, :) may pagbibigyan lang po ako" Sabi ko.

"Eh, sino?" Tanong ni Mama at Papa.

"Ayun oh" Sabi ko. Bumaba si Jiro sa kotse nya sabay punta sa akin.

"Good morning po" Bati ni Jiro.

"G-good morning d-din" Bati ni Mama at Papa. Sabay nila sabi habang nakangiti.

"Sige Ma, Pa! Chupi na me!" Paalam ko. Hiniwakan ni Jiro ang kamay ko dahil may inabot ako sa kanya.

"Aaayyyiiieee! :)" Sabi ni Mama at Papa.

"Ma, Pa! Ano ba?" Tanong ko. Bumalik na sila sa normal mode nila. Nagkatitigan sila Mama at Papa pati kami ni Jiro. Full of silence, awkward!Nabasag ang katahimikan ng sumigaw si Manong mantataho.

"Taho, taho kayo dyan!" Sigaw ni Manong mantataho. Nagtawanan naman kaming lahat.

"Ah, sige po. Alis na kami" Sabi ni Jiro.

"Ahem ahem, be sure na hindi mo mapapahamak ang anak ko ha!" Sabi ni Papa.

"Po? Sa poging kong to, ipapahamak ang anak nyo? Ha, never! Aba! Napanatili ko po na ligtas ang anak nyo, dagdag pogi points po iyon" Sabi ni Jiro.

"Hmmm, ang daming alam!" Sabi ko sabay hampas kay Jiro.

"Hala ka, child abusing yan ha!" Sabi ni Jiro.

"Anong child abusing? Hoy! FYI, adult ka na! Magkaedad na nga tayo and magkakaroon ka na ng girlfriend" Sabi ko.

"Bakit? Gusto mo bang maging girlfriend kita? Pila ka lang, pagbibigyan kita!" Sabi ni Jiro. Nilapit ni Jiro ang mukha nya sa mukha ko.

"Grabi, nagblush naman ang mukha ko dun" Bulong ko sa sarili ko.

"Ahem ahem! Mukhang may LQ kayo ha, at dito pa talaga kayo nagbabangayan sa harapan namin" Sabi ni Mama at Papa. Nakaserious mode pa sila, bigla naman napakamot sa ulo si Jiro.

"Patay!" Bulong ko sa sarili ko.

"Sorry po. Sige, alis na po kami" Sabi ni Jiro with naiilang expression.

"Aaayyyiiieee, bagay naman kayo eh!" Sabi ni Mama at Papa at tumawa sila.

"Mama, Papa!" Sabi ko with mad expression.

"Well... I think, kailangan na natin sila iwan dito! May pahabol pa atang LQ" Sabi ni Mama sabay takbo sa loob ng bahay.

"Tara na nga, Jiro! Baka malate pa tayo!" Sabi ko with mad expression.

"Sige po, bye!" Paalam ni Jiro with kasalukuyang nagblablush. Pagsakay sa car, puro katahimikan. Oh, my! What a life? Ang awkward masyado, peacefully! After 5 minutes sa pagdradrive.

"Sorry!" Sabay naming sabi, sabay din kaming tumawa.

"Ah, ikaw muna!" Ang again, sabay naming sabi! Tumawa ulit kami.

"Okay, ako muna!" And again, and again! Sabay naming sabi, tumawa na naman ulit kami!

"Okay, ako na lang muna mauna" Sabi ni Jiro. I nod and smile.

"Sorry for what I said kanina, :) I hope you understand" Sabi ni Jiro.

"Huh? Ah? Eh, ako din! Sorry ha? :( For whadadu and I said to you" Sabi ko.

"Huh? Ano yun? Whadadu?" Tanong ni Jiro.

"Huh? Whadadu in short, 'what I do'" Sagot ko.

"Ah. So, pinapatawad mo na ako?" Tanong ni Jiro.

"Ahm, oo! Eh, ikaw? Will you forgive me?" Tanong ko.

"Sure, ikaw pa! Eh labs na labs kita eh" Sabi ni Jiro.

"Huh? Ano yun? Pakiulit daw" Sabi ko.

"Huh? Ah? Eh, nevermind!" Sabi ni Jiro with blushing mode.

"Okay. Ah, gusto mo? Kumain ka ba ng breakfast?" Tanong ko.

"Ahm... Wala pa nga eh. But, thank you ha?" Sabi ni Jiro. Binigay ko sa kanya ang orange juice at sandwich pero pag abot ko, nahawakan ni Jiro ang kamay ko.

"Ahm... Sorry?" Sabi ni Jiro.

"That's okay!" Sabi ko.

"Ikaw din pala, di ka kumain ng breakfast mo?" Tanong ni Jiro.

"Ahm... oo!" Sagot ko. We both eat in silence. After that, nakarating na kami sa aming patutunguhan! Ah, este! University! :P Paglabas namin, maraming tao ang lumapit sa akin and lahat with matching sad face. Agad naman akong napakapit kay Jiro.

"Jiro, Anong ginagawa nila?" Tanong ko.

"Ewan? I dunno!" Sagot ni Jiro.

"Dito ka lang ha! Please, wag mo akong iwan" Sabi ko.

"Sure, anytime and everytime" Sabi ni Jiro. Lumapit sila sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Past Came Back To It's PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon