* ALYSON's POV *
Bumangon ako ng maaga para batiin si Mama pero wala sya sa kusina, sa kwarto nya at sa banyo. Pumunta ako sa sala para tignan si Mama pero hindi ko pa rin sya makita. Maya maya, may nakita akong mga rose petals nakakalat sa sahig kaya sinundan ko yun hanggang sa mapunta ako sa dressing room ni Mama. Pagtingin ko, wala pa din si Mama. May nakita akong letter sa sahig kaya binasa ko ito.
" Pasensya na anak kung wala ako dyan! May kasama ka naman eh! Kaya wag kang malungkot. I love you! <3
From: Mama :)"
Huh? Sinong kasama ko? Tumingin ako sa paligid.
"Meow" Ngek, si Cherish lang naman to eh! Yung pusa namin! Biglang may nagtakip sa mga mata ko.
"Ah, kuya or ate? Sino ka?" Tanong ko.
"Guess who" Sagot nya.
"Ha! Yun ang name mo!" Sigaw ko sa kanya. Tinanggal ko ang mga kamay nya sa mata ko, pagtingin ko si Jiro!
"Jiro? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot kundi ngumiti lang sya sa akin at tinignan ako ng seryoso.
"Ano?!" Sigaw ko sa kanya.
"Asikasuhin mo muna sarili mo, ok?!" Sagot ni Jiro.
"Ah, oh my gosh! Sige, dyan ka muna. Wait lang ha!" Sabi ko sa kanya.
"Ok!" Sagot ni Jiro. Dali dali akong umakyat sa taas, dumiretso agad ako sa banyo at naligo. Pagkatapos nagbihis at kaagad bumaba.
"So, san ang punta natin?" Tanong ko sa kanya.
"Sekreo ko na yun" Sagot ni Jiro.
"Ah, ganon! Kailan ka pa natutong di magsabi ng sekreto ha?" Tanong ko sa kanya habang pingot pingot ko ang tenga nya.
"Ah, nganga! Ngayon lang!" Sigaw ni Jiro.
"Ok!" Sigaw ko sa kanya sabay bitaw.
"Ang sakit ha!" Sigaw nya sabay habol sa akin, hinabol nya ako ng hinabol hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. Kiniliti ako ni Jiro, tawa lang ako ng tawa.
"Jiro! Tama na! Ayoko na!" Sigaw ko sa kanya sabay alis. Hinila ako ni Jiro at sabay yakap sa akin.
"Jiro?! Jiro?! Jiro?!" Sigaw ko.
"Wala ka ba talagang naalala ngayon?" Tanong sa akin.
"Wala, bakit?" Tanong ko. Biglang nagring yung phone ni Jiro.
BINABASA MO ANG
When The Past Came Back To It's Present
RomanceAng pag hihintay sa taong mahalaga sayo ay hindi nakakapagod. Marahil, karamihan na sa atin ay nakaranas na ng matinding pag hihinatay. Marahil, naramdaman na natin ang sobrang pag ka bored sa pag hihintay. Oo, dumarating tayo sa point na ayaw mo na...