CHAPTER 8

105 8 0
                                    

Sa bawat hakbang, kumpas ng mga kamay, pagkiling ng ulo at ang masayang paraan ng pakiki-usap niya, lahat yun ay walang ligtas sa paningin ko. Na ultimo pagkurap ng mga mata ay bilang ko din dahil sa focus lang ako sa kanya.

Paanong nangyari ang ganito? Na yung pangako kong hindi kona uulitin ang ginawa kong paghalik sa kanya ay unti-unti ng nawawaglit sa aking isipan at ang tanging gusto ko lang gawin sa mga sandaling ito ay ang ilapat ang aking mga labi sa mga labi niyang may matamis na ngiti!?

Hindi ako yong tipo ng taong walang isang salita. Pero bakit ngayong nakita ko na naman siya pakiramdam ko mapapabilang na ako dun sa mga taong kinaaayawan ko...mga taong mahilig bumali sa mga pangako!

Hahayaan ko nalang ba na ang kagustuhan kong ito na mahalikan siya ang siyang sisira sa sarili kong mga ipinagbabawal?








"-ano na naman ba ang nangyari sa babaing to?" nagtatakang mukha ni Ericka ang siyang pumukaw sa aking pag-iisip ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko.









"May sinasabi ka ba?" tanong ko habang pilit na sinusundan ng tingin ang ngayong papalayong lalaki na may kasuotang pambabae.

This time he's not wearing croptop and skirt unlike that night when we first met. He's wearing t-shirt and jeans so simple yet it looks so hot on him. So hot that I can't even take my eyes off of him while he's walking away together with one of the judges on my presentation.

Why am I feeling this towards him? Does this mean something that I should be prepared of? That my simple attraction towards him can lead me on something that can tormented my whole being?








"Archie ano na naman ba yang drama mo at natulala ka na naman diyan? Ang totoo, nag dadrugs ka no?" apat na kamay ang kaagad na bumatok ng dahil sa sinabing yon ni Mariannelle.








"Tignan mo to, kapag tinatanong wala sa sarili. Pero wagas naman kung maka pambatok!" reklamo kaagad ni Mariannelle sabay kamot sa kanyang ulo matapos kong tuktukan ang bunbunan niya.









"Sumusubra na kase yang pagiging usyusera mo, kaya deserve mo yon!"









"Wow nahiya naman ako sa iba diyan!" nagpaparinig nitong sagot bago isa-isang tinignan ang mga kaibigan namin.

At gaya ng inaasahan ko, kaagad na umangal ang lahat maliban kay Monicha na nakakunot ang nuong nakatingin sa kinatatayuan kanina ng lalaking hinalikan ko.

At ng bumaling ang tingin niya sa'kin, kaagad akong nagkunwaring busy sa pakikipag asaran kela Mariannelle upang hindi niya muna ako usisahin tungkol dun, ng sa ganun hindi na naman mabaling sa'kin ang atensiyon ng lahat.








"Arcenith pinapadala nga pala sayo ni mrs. Madrigal yung soft copy mo sa office niya tungkol dun sa presentation mo kanina." sabi kaagad ng classroom president namin.

Isa si Mrs. Madrigal sa judges dun sa ginawa kong presentation kanina.






"Ngayon na ba?"






"Yun yong sabi niya. Ikaw ang bahala kung ayaw mong sumunod sa pinag-uutos niya. Total matigas naman yang ulo mo e!"

Enemy spotted! Trixxie Glenn, BFF of Samantha na first cousin naman ni Pamela. Out of respect as our classroom president kaya hindi ko pinapatulan itong si Trixxie sa pagiging ipokrita niya saakin.

I just don't know why, but she's been like that since we were on grade eleven na para bang may malaking atraso ako sa kanya kaya siya nagkaka ganyan!

Ang Pahard To Get Kong Nililigawan (COMPLETED)Where stories live. Discover now