Chapter 1- Scholar

2.5K 84 3
                                    

Thank you for reading! Typos and grammatical errors ahead. 
__

"WHY would you be deserving to have our scholarship, Ms. Alcantara?" huminga nang malalim si Diwata. Matamis pa rin ang kanyang ngiti sa foundation manager. Ilang tanong na ang ibinato sa kanya ngunit hindi dapat siya magpapatinag. Ito na lang ang kanyang pag-asa. Ang pag-asa niya para sa mga pangarap niya.

"You can actually trust me, Ma'am. The funds that you'll be investing for me will never go to waste. I'll perservere on my duties in the future while making myself an academic achiever. I can work under pressure. I'm willing to learn to make my job in the plantation or where I can be assigned efficient."

"Convince me more..." ito lang ang kayang ipangako na tulong ni Sir Levi sa kanya. Ang makapasa sa first screening para makakuha ng interview na ito. Ang kaparalan niyang makapasa bilang scholar ng Alegre ay nasa kamay ng foundation manager. Kung ano ang rating na ibibigay nito sa kanya ay 'yon daw ang pagbabasehan ni Sir Levi para e-approve ang application niya. May advantage na nga siya dahil tinulungan siya ng may-ari na makapasa sa unang level, dahil 'yong iba ay kailangan pang maghirap para makapasok lang sa interview.

"Ma'am, I badly need this scholarship. Malaki po ang pangarap ko na maging CPA. Makapasok sa corporate world. Limited man po ang offers niyo sa degree program na kinuha ko pero ipapangako ko po na kahit anong trabaho ang ibibigay niyo sa akin sa Costa Alegre o sa mango plantation ay buong puso kong pagbubutihan. Dahil ang trabahong 'yon ay magpapa-aral sa akin, at tutulong sa'kin na makamit po ang mga pangarap ko," huminto siya ng ilang segundo at nang makakalma na dahil sa kaba ay nagpatuloy. "Kami na lang pong dalawa ng Lola ko na nakipagsaparalan sa buhay. Hindi niya po ako kayang pag-aralin. Kinumbinsi niya po ang tiyahin ko na pag-aralin ako pero hindi rin po kaya ng tiyahin ko dahil may sarili po itong pamilya, at magiging pabigat lamang po ako. Para maipagpatuloy ang pag-aaral ako na po ang magsusumikap na iahon ang sarili ko."

"Bakit mo pinili ang mahal na eskwelahan na ito para sa'yong pag-aaral?"

"Base on the recent data, this school produces high percent of passers in the CPALE. And in that regards, I trust this school to provide my the quality od education I can use for my future dream."

Tumango ito habang tinitingnan ang evaluation form nito. Nanginginig ang mga paa niya. Hindi siya mapakali. Sobra ang panlalamig ng kanyang mga kamay. Wala na ang mga ito'ng slot para sa degree program niya pero dahil si Sir Levi ang nag-endorse sa kanya ay napilitan yata ang mga ito na mag-open pa ng isang slot.

"You're an honor student since elementary. That's very consistent of you. I can sense your passion on your studies. Base on your credentials and academic performance, I'll not have second thoughts of accepting you as our scholar. Of course, you're passionate with this interview. But the last judgment lies with Sir Levi. Tatawagan ka na lang ng staff namin kapag na-approve ni Sir Levi ang application mo, Ms. Alcantara. One week or three days..." ngumiti ito sa kanya pagkatapos ay sinarado ang folder.

Nakahinga siya nang maluwag dahil sa feedback nito.

"Maraming-marami pong salamat. Alam ko pong wala na kayong slot para sa akin, kaya sobrang salamat po talaga at pinaunlakan niyo pong e-screen ako."

"Sumunod lang kami sa utos ni Sir Levi na magbukas ng isang slot at bigyan ka ng chance na e-screen at e-in-interviewhin. You're good."

Kakalimutan na niya talaga ang nakita niya noon. Mabait naman si Sir Levi. Hulog ng langit sa isang pagkakataon sa buhay niya na akala ay babagsak siya ng tuluyan. Hindi na nga siya nakapagpasalamat nang maayos kasi noong huling nilang pag-uusap ay naputol naman agad dahil sa pagdating ng girlfriend nito.

Isang buwan mula noon. Tinapos niya muna ang semester bago bumalik sa Guimaras. Pagkauwi ay nagpasa agad ng application, at dalawang araw ang lumipas ay nakatanggap ng tawag para sa interview.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon