Maraming salamat pa rin sa pagbabasa at paghihintay.
Unedited. Typographical and grammatical errors ahead.
__
DIWATA had been busy running from mango plantation to finance department located in Costa Alegre for some documents that needed reconciliation. She'd got a great lunch with Sir Levi a while ago. Tinanggap naman nito ang nilutong niyang adobo bilang pasasalamat sa pagtulong nito sa kanya. Masaya siya kasi malaki ang pasasalamat niya sa lalaki.
She didn't even believe that Sir Levi would actually help her. May bonus pang explanation kada slide na pinasasalamatan niya nang maigi kasi hindi na niya need mag-analyze noong topic. Sobrang grateful niya sa lalaki kasi never in her entire life na may nag-alok na gagawa ng school reports niya kundi si Sir Levi lang. Big deal 'yon sa kanya kasi nadagdagan ng dalawang oras ang tulog niya kagabi. She had this big smile and calm heart while sleeping last night.
She was really happy about it kaya napaunlakan niya kaagad ang pang-uutos nito na papuntahin siya sa Clarkson para sa tanghalian. Kaya ngayon ay sinusundan siya ni Bernadette para mang-usisa sa kung anong nangyayari.
"Si Sir Levi ba 'yon, Diwata?" pabalik na siya sa locker area na nasa tabi lang naman ng canteen.
"Si Sir Levi ang alin?" she acted innocent about the question.
"Iyong nag-alok sa'yo ng kasal..." determinadong sagot ni Dette na animo'y may pinaglalaban.
Tumawa naman siya kaagad habang binubuksan ang locker niya.
"Bakit naman ako aalukin ng kasal 'non, Dette? Hindi ko nga ka-ano-ano 'yang si Sir Levi. At nababaliw ka na ba? Kakabasa mo 'yan ng romance novels at kung ano ano na lang naiisip mo. Ako? Si Diwata Soledad, aalukin ng kasal sa lalaking kagaya ni Sir Levi? Dette, hindi pa end of the world! At kung end of the world man bukas, hindi pa rin ako papakasalan 'yang si Sir Levi. Hindi 'yon pumapatol sa mga beauty nakagaya ko. Ang mga type 'nong babae ay 'yong nakikita sa TV at nasa cover ng women's magazine," sunod-sunod niyang salita para itatak sa kukuti nitong si Dette na imposible ang sinasabi nito.
Posible man ngayon pero imposible ang rason. Sa tono kasi ng pananalita ni Dette ay papakasalan siya ni Sir Levi kasi umiibig ang lalaki sa kanya na sobrang imposible sa lahat ng imposible. Papakasalan man siya nito pero hindi sa ganoong rason. Dette was just the believer of love stories.
Tiningnan siya ng kaibigan mula paa hanggang ulo. Tumango-tango ito na tila'y sumang-ayon sa sinabi niyang hindi siya papatulan ni Sir Levi.
"May punto ka naman. So bakit ka pinatawag para sabayan siyang kumain ng tanghalian?"
"Kinukumusta lang ang lagay ko rito. Di ba sinabi ko sa'yo noon na si Sir Levi ang tumulong sa akin para makapasa ako sa first screening para ma-interview ako. Thus, I have the scholarship now."
"Ganun kayo ka-close?"
"At nagkataon lang na may kaunting utang na loob sa'kin si Sir Levi dahil noong time na ininterview ako ay 'yon din ang time na lasing na lasing si Sir Levi dahil sa break up nila ni Ma'am Noelle. Pinakiusapan ako ni Sir Fabiz sa time na 'yon na bantayan si Sir Levi. Two years ago nang nakalipas, kaya ayon...hindi close pero para pasalamatan ako sa maliit na bagay na ginawa ko," nairaos niyang paliwanag sa kaibigan na nakuha naman yata agad ang mga sinabi niya.
"Mabuti naman kung ganun kasi kalat na sa plantation ang pagla-lunch ninyo ni Sir Levi. Sana hindi gawing tsismis...pero ah ah...swerte mo naman at nakatapak ka sa Clarkson."
Napangiti siya doon. Hindi niya alam kung totoo bang masarap ang adobo niya pero iyon lang kinain ni Sir Levi habang siya ay inorderan nito ng masasarap na pagkain sa Clarkson. Alam naman niya kung bakit mabait sa kanya sa Sir Levi dahil kinukuha nito ang kanyang loob.
BINABASA MO ANG
Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)
RomantikHacienda Alegre Series 4 -Lessandro Vincent Verdejo||Matured Contents Si Levi Verdejo ay ang tagapagmana at nagma-may-ari ng isa sa napakagandang hacienda sa Visayas. After a traumatizing heartbreak, he was afraid to commit to a relationship again...