Chapter 31 - Heartless

1.9K 83 16
                                    

Unedited. May contain typos and grammatical errors.

_

"KUNG para sa pangarap mo naman 'yan, Sol ay alam mo namang suportado talaga kita," saad ng kanyang Lola habang nasa likod niya ito, nakayakap sa kanya. Nakatingala sila sa langit. Kinabukasan mula sa araw na umuwi siya ay bumisita siya sa kanyang Lola.

"Mas maganda nga naman na sa eskwelahan ka talaga mag-aaral. Kung ang guro mo na ang nag-alok sa'yo ng scholarship, palalampasin mo ba ito? Ang oportunidad na ang kumatok sa pinto mo, Sol. Magsisisi ka kapag hindi mo ito tatanggapin."

Tama ang kanyang Lola. Malalim siyang huminga saka pumikit.

"Maiintindihan naman siguro ng Alegre kung aalis ka. Alam naman siguro ni Sir Levi kung gaano ka nagpapasalamat sa kanya para suportahan ang pag-aaral mo. Ayaw mo ba 'non? Inalok ka ng libreng matrikula na hindi mo kailangang magtrabaho. Hindi mahahati ang oras mo sa pagtratrabaho..."

Naisip naman niya ito lahat.

"Makapaghintay ang pag-ibig, Sol. Ano ba ang ikinatatakot mo? Akala ko ba ay hindi totoo ang relasyon ninyo ni Sir Levi?"

"Hindi nga totoo, Lola, pero totoo pong iniibig ko siya. Pipiliin ko naman po talaga ang pangarap ko. Naghihintay po ako ng tamang panahon para makapagsalamat sa kanya. At...baka po wala na akong mababalikan..."

Natawa ang kanyang Lola.

"Lola, first time ko pong magmahal ng ganito. Ayaw ko pong mabigo o masaktan na hindi sumusubok. Pipiliin ko talaga ang pangarap ko pero gusto kong magbakasakali..."

Kung hindi lang sana siguro siya pumayag sa kontrata, hindi siguro niya mararanasan ito. Ang maguluhan ng ganito.

"Edi sumubok ka. Ikumpisal mo ang pagmamahal mo sa kanya. Tingnan natin kung mahal ka rin ba niya para malaman mo na may mababalikan ka."

I am happy of what we have, Di. Please, focus on achieving your dreams.

Madiin ang kanyang pagpikit nang maalala ulit 'yon. Ibig sabihin ba 'non, kung ano ang mayroon sila ngayon ay hindi na lalalim o hindi na magbabago.

"Subukan mo, apo."

Susubukan niya talaga. Bago siya luluwas ng Cebu ay ikukumpisal niya muna ang pag-ibig na ito. Bahala na kung ano ang maging consequences. Kung hindi man maibabalik ang kanyang pagmamahal, ayos lang. At least nasabi, di ba? Makakapag-move on din siya. Bata pa naman si Diwata, baka experience lang ito.

Kabadong-kabado siya kahit iisipin niya pa lang na mag-confess.

After ng finals, may one week vacation siya before the summer class enrolment. Ginugol niya ang oras na 'yon para mag-prepare sa kanyang special confession. Na kahit hindi pa nangyayari ay nanginginig na siya.

Ano ba ang mas masakit? Rejection o ang hindi mahalin pabalik? Di ba, pareho lang naman 'yon? Rejected kasi hindi mahal. Ouch na lang.

Alam naman niya ang magiging sagot ni Levi. Gagawin niya lamang ito para kahit papaano ay gagaan ang loob niya kapag titira na siya sa Cebu at makapag-focus na talaga sa kanyang pag-aaral. Ma-re-reject man, at least hindi niya madadala sa Cebu ang bigat ng pag-ibig na ito.

Hindi siya magtatanong kung may babaeng umaaligid kay Levi? Kumain na ba ito? Ayos lang ba ito? Masaya ba ang araw nito? Hindi ba ito stress sa trabaho? Dahil kapag rejected na siya, wala na siyang karapatan na tanungin ang mga 'yon.

Edi peaceful!

"Kumain na po si Levi, manang?" iyon ang bungad niyang tanong nang makababa na siya ng kusina. Ilang araw na niyang hindi nakikita si Levi sa mansion. Nag-te-text na lamang silang dalawa para magkamustahan. Kagabi ay umuwi ito para dito magpahinga.

Heartless Enchantment (Hacienda Alegre Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon